Ang biyaya nga naman ay hindi mo inaasahan. Maaaring normal at ordinaryong araw lamang habang naglalakad ay maaari mon a itong matagpuan. Bubulaga na lamang sa iyo sa hindi mo inaasahang panahon at pagkakataon.

Ang pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa ay higit na pinagpapala kaysa sa mga taong nang aabuso sa kapangyarihan at pwesto.

Ibinahagi ng INQUIRER.net ang larawan ng matandang lalaki na walang kahit anong proteksyon sa kaniyang ulo at katawan habang sakay ng bisikleta sa kahabaan ng EDSA.

Siya ay pinara ng mga bikers hindi para hulihin at pag multahin kung hindi bigyan ng sariling helmet at vest.

“Huli ka manong dahil wala kang helmet…kaya may helmet ka!”

Nakilala ang grupo na ito bilang Bikers United Marshalls and Living Laudato Si Philippines. Ang buong akala ng matandang lalaki ay huhulihin siya pagkat ang grupo ng mga bikers ay may kasamang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) para mag assist.

Nakakatuwa lamang isipin na mayroon pa ding mga opisyal na may malasakit sa kanilang kapwa kaysa sa ibang inaabuso ang kung anong pwesto at karapatan ang mayroon sila.

Umani naman ng madaming papuri mula sa netizens ang naturang post.

“This is the way to go…instead of imprisoning people show them mercy and give them what they lack…Thank you Laudato Si originally organized by Pope Francis…”

“If often times most officials and individuals, execute these kind of gesture then maybe, just maybe, Philippines would become a better place.”

"Huli ka manong dahil wala kang helmet…kaya may helmet ka!" LOOK: An old man who was biking along Edsa on Wednesday,…

Posted by INQUIRER.net on Thursday, August 20, 2020