Nitong taon lamang nang biglang pumutok ang balitang ikinasal na ang Pop Star Royalty Sarah Geronimo sa aktor na nobyo niyang si Matteo Guidicelli.

Ngunit pagkatapo ng aba ng kasalan, ano nang ganap sa buhay nilang dalawa bilang mag asawa.

Makikita sa kanilang social media ang ibang updates sa kanilang mga ginagawa ngayong quarantine. Ibinahagi naman ni Matteo Guidicelli sa isang webinar ng health products na kaniyang pinopromote kung gaano siya kasaya sa pagiging asawa ni Sarah.

Tiningnan niya sa positibong paraan ang nagaganap na enhanced community quarantine pagkat para daw sa kaniya, ito daw ay extended honeymoon nila.

“Being home, being with the family, ako, bagong kasal ako. Being with my wife, it’s also in a way, a blessing in disguise, na we have an extended honeymoon kumbaga”

“ It’s a time we’re really locked in our place, and we’re getting to know more each other, every single day. That’s the interesting part” dagdag pa ni Matteo

Mula sa pagiging mag nobyo at nobya, madami ang kailangang magbago ngayong sila ay ganap na mag asawa na.

Ika nga niya “Great and Amazing” daw ang buhay may asawa. Hindi niya halos maipaliwanag ang saya niya sa tuwing umagang gigising at sa gabi ay matutulog katabi ang kaniyang pinaka mamahal na asawa.

“Bro, I think you should get married too, man. I don’t know, maybe I’m just in my honeymoon stage. I’m in the beginning of my marriage, but it’s amazing to wake up, sleep beside the person you love the most”

Kung datiý akala nilang kilalang kilala na nila ang isa’t isa ngunit napatunayan nilang mas may ilalalim pa pala ang pagkakakilanlan na iyon. Bukod pa doon, mayroon silang mga bagay na natututunan sa isa’t isa na kung saan sabay silang nag-go-grow.

Kagaya na lamang ng pag babasa ng Bible na naging alaking tulong kay Matteo pati na din kay Sarah.

“it’s a blessing and u found my partner. Kumbaga, there’s so many things we could do together, and so many things we could achieve together”

Ayon sa kaniya, ang pagiging mapagkumbaba ay isa sa mahalagang sangkap sa relasyon ng mag asawa.