Nababahala na ang marami sa sunod- sunod na pangyayari ngayong taon ng 2020.

Ang ilan ay sinasabing nalalapit na nga ang pag gunaw ng ating mundo dahil sa mga ipinapakita nitong mga senyales na kung saan madaming buhay na ang nawal kagaya ng C0’VID, sunog, lindol at iba pang aksidente.

Ang sino man ay walang kakayanan pigilan ang mga ito ngunit ang pag- iingat sa sarili, sa kapwa at ang magdasal ang siyang tangin nating magagawa sa ngayon.

Mabuti na din na mayroon tayong kamalayan sa kung ano ang mga nangyayari sa paligid.

Ayon sa Facebook page na News Live Philippines, isang higanteng bula na may masangsang na amoy ang lumitaw sa isang maliit na ilog sa Brgy. Sabang, Tuy, Batangas.

Naging malaking katanungan daw ito sa mga karatig bayan at mga residente.

Pahayag ng nakasaksing netizen na nag upload sa Facebook na si Jolina Barrias, bandang 1:00 daw ng hapon nang biglang may lumitaw na makakapal at maraming bula na sumakop halos sa buong sapa sa Barangay Sabang noong Miyerkules.

Agad naman ding pinuntahan ng kinatawan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) at sinabing may kemikal umano na itinapon sa sapa na dahilan ng pagbula ng tubig.

Bilang aksyon, susuriin daw ito ng DENR para malaman kung sino ang dapat managot sa nasabing pangyayari.

LOOK| Mga higanteng bula na may masangsang na amoy, lumitaw sa isang maliit na ilog sa Brgy. Sabang, Tuy, Batangas;…

Posted by News live Philippines on Wednesday, August 19, 2020

Source: Facebook