Marami sa ating mga kababayan ay nagbabaka sakali sa ibang bansa na magtrabaho para makaraos sa hirap kahit na nga masakit sa kanilang ang malayo sa minamahal ay kakayanin nila umunlad lamang ang buhay.

Kaya nga siguro napaka-sakit isipin kung malayo kana nga sa mahal mo ay malalaman mo pang pinagtataksilan ka nito. Tulad na lamang ng nangyari sa isang Lalaking Oversease Filipino Worker (OFW).

Hindi naitago ni Nilo Barelos nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi ang kanyang paghihinagpis matapos niyang ireklamo ang kanyang misis sa Programang Raffy Tulfo in Action kamakailan lamang.

Dahil bukod daw sa pag-amin ng kanyang misis na si Ivy Barelos na siya ay may karelasyon na ibang lalaki ay hindi rin matanggap ni Nilo na nag tatrabaho bilang assistant cook ang pag-iwan ng kanyang asawa sa kanilang mga anak habang ito ay malayo sa piling niya.

Ayon naman kay Nilo ay nagtataka siya bakit nagawa ng kanyang asawa ang lahat ng iyon, hindi naman daw siya nagkukulang sa kanyang pamilya.

Sa katunayan nga daw ay buwan-buwan ito nag papadala ng halagang 25,000 pesos para maipanggastos ng kanyang mag-iina.

Bumuhos pa lalo ang iyak ni Nilo ng ikinuwento nito kay Sir Raffy Tulfo kung paano iniwan at inabandona ng kanyang asawa ang kanilang mga anak para lamang sumama sa kabit nitong si Junjun Larosa.

Ayon kay Nilo iniwanan lamang ni Ivy ang kanilang mga anak ng halagang 200pesos bago ito umalis.

Samantala, ikinuwento naman ng naging kabet ni Ivy na si Junjun Larosa kay sir Raffy Tulfo kung paano sila nagkaroon ng relasyon ni Ivy.

Nagkakilala daw umano ang dalawa matapos mag punta ni Ivy sa bahay nila Junjun para i-rebond ang mga pinsan nito. Ayon kay Junjun napamahal siya kay Ivy dahil mahilig at magaling daw itong magluto.

Dahil sa pangyayaring ito, hindi na naiwasanni Nilo na itago ang kanyang galit at hinanakit sa kanyang asawa dahil sa ginawa nito sa kanya at sa kanyang mga anak.

Kaya naman desido na siyang magsampa ng kaso sa mga ito. Ngunit imbes na humingi ng pasensya at tawad ang kanyang asawa ay ito ang sinabi ni Ivy:

Ivy: “Sige, kung yun ikakasaya niya”

Sa ngayon naman ay buntis si Ivy kay Junjun ng dalawang buwan, Ipinangako naman ni Sir Raffy na kanyang tutulungan ang kawawang si Nilo lalo nat matibay ang ebidensya ng pangangaliwa ng kanyang asawa.