May mga napapansin ba kayo sa inyong mga bahay na may nakasabit sa ibang parti nito na plastik na may tubig? Siguro ay nagtataka kayo kung ano ba ang mga iyon at para saan iyon.

Para sa iba kapag ito ay nakikita akala nila ay normal lang at parang ginawang dekorasyon lamang sa bahay.

Pero hindi nila alam na ito ay may malaking pakinabang sa ating mga tahanan na tiyak ko kapag ito ay nabasa niyo ay gagawin niyo rin.

Ang paglalagay daw ng plastik na may tubig sa tahanan ay nakakatulong daw para umalis o itaboy ang mga insekto tulad ng mga langaw at lamok.

Talaga naman na nakakailang at nakakairita kapag maraming langaw sa bahay dahil nagdadala din ito ng mikroboyo sa mga pagkain at bagay na madapuan nito.

Kadalasan sa mga gumagawa nito ay gumamit sila ng malaking plastic bag at nilalagay nila ito kung saan malapit sa mga pagkain.

Maayos naman ito gamitin dahil bukod sa wala kanang gagastusin hindi pa ito delikado dahil wala itong halong k3mikal.

Ayon naman sa ulat ng Grandmasthing:

“This method works because flies often see the reflection of water moving in the bag and they think that it is a dangerous species that feed on them and they go away fearing death.

It is recommended to fill only two-thirds of the bag and give it a gentle and light pound to create the effect, others try to enhance the illusion by placing coins in the water bag”.

Para sa mga hindi pa nasusubukan, wala naman mawawala kung susubukan natin ito bagkus kung ito ay epektibo makakatulong pa ito sainyo na mawala ang mga insekto sa inyong bahay.