Bilang isang magulang, kaya nilang tiisin ang lahat ng masasakit na salita at mga panlalait sa kanila huwag lang idadamay ang kanilang mga anak.

Ibang usapan nga naman kapag ang anak na ang pinag uusapan. Hindi magpapatinag ang mga magulang kapag ang anak na nila ang pinatamaan.

Hindi napigilang bumwelta ni Neri Miranda sa kaniyang social media matapos lait- laitin ng isang netizen ang anak nila ni Chito Miranda.

Noong una ay siya lamang ang binabatikos nito ngunit hindi na niya ito natiis nang idamay ang kaniyang anak.

“Ang panget naman ng batang eto.” Simple ngunit matalim at nakakasugat ang binitawang mga salita ng netizen na si Brian Laig Landicho.

Kaya naman minabuti ni Neri na tingnan ang hitsura ni Brian sa Facebook upang malaman kung karapat dapat nga bang magsabi ang lalaki ng mga ganoong salita.

“Chineck ko yung pagmumukha niya sa Facebook. Wow ha. Nahiya naman ako sa itsua niya, haha! Kayo na lang ho ang humusga sa itsura niya”

Tila nakakabastos nga naman ang mga ganoong pag uugali ng ibang Pinoy na hindi inilulugar ang kagaspangan ng kanilang mga ugali.

Gayon pa man, ipagpapasa- Diyos niya na lang daw ito. kahit pa naiisip niyang ipost na lamang ang mga larawan ng basher kasama ng asawa’t anak.

Ngunit hindi naman kabilang sa nambastos o nanlait ang mag ina at hindi din siya katulad ni Brian na dinadamay pati ang mga nananahimik at walang kamalay- malay.