“Nako girl ikaw na talaga! Jackpot ka napaka guwapo na ng boyfriend mo tapos sobrang bait pa grabe may nanalo na” sambit ng isang kaibigan ni Glenda sakanya.

“Sinabi mo pa hindi lang pang boyfriend basta-basta, husband material pa” kantiyaw naman ng isa pang kaibigan ni Glenda.

“Tama na nga kayo sa papuri at pag udyok niyo kay Ryan , mas lalo tuloy akong naiinlove niyan sige kayo!” Tugon naman ni Glenda.

Siguro nga ay wala nang hahanapin pang iba si Glenda sa kanyang boyfriend na si Ryan, dahil bukod sa sobrang bait at masipag ay napakagandang lalaki talaga naman nito minsan pa nga ay napagkakamalan na isang model o artista si Ryan dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kumpleto matangkad din si Ryan.

Kaya naman marami ang naiingit sa kanyang kagwapuhan. Samatala sa kabila ng magagandang katangian ni Ryan sa panloob at panlabas ay may ugali din ito na ayaw na ayaw ni Glenda ito ay ang pagiging kuripot.

Glenda: “Mahal ibili mo naman ako ng kwintas na yon o ang ganda tsaka mukang bagay sa akin”.

Ryan: “Diba may kwintas ka pa naman ayan o suot-suot mo? Mas bagay sayo yan Mahal, nextime nalang tayo bumili”.

Glenda: “Sige na nga, Yon nalang mahal ayun na hikaw mukang mura lang iyong pares na yon”.

Ryan: “Ha diba Mahal andami mo pang hikaw sa bahay puro bago pa iyon ah sa susunod nalang mahal!”

Wala naman nagawa si Glenda sa mga pagtanggi ni Ryan sa mga gusto niyang ipabili ang nagawa nalamang nito ay bumusangot at tumahimik, Buong maghapon ay ang ginawa lamang nila sa mall ay manood ng sine at kumain.

Lalong nadismaya si Glenda dahil kahit sa mismong espesyal na araw para sa kanila ay nagawa siyang tipirin ni Ryan.

Glenda: “Mahal, diba anniversary natin ngayon mahalagang araw sa atin to diba espesyal na okasyon to sa atin, dito lang talaga tayo sa fastfood?!”

Ryan: (Napakamot nalang sa ulo) “Nako oo nga pala noh Mahal, nawala sa isip ko sige nextime nalang babawi ako sayo sa date natin”.

Ang masaya sana nilang dinner ay nauwi sa wala dahil lalong nainis si Glenda, Kaya naman hanggang sa matapos ang kanilang dinner ay hindi niya kinakausap si Ryan maging maihatid na siya ay hindi ito umiimik masama ang loob ni Glenda sa kanyang boyfriend dahil sa sobrang kuripot nito.

Nang tumagal tagal pa ang kanilang relasyon ay lalong tumindi ang galit at inis ni Glenda sa kanyang boyfriend na si Ryan dahil nahuhuli niya itong may katext parati at may tinatawagan.

At sa tuwing may kausap ito sa cellphone ay lumalayo ito sa kanya na para bang may itinatago. Kaya naman nag madkon tuloy siya ng hinala na may ibang babae si Ryan.

Glenda: “Walanghiya ka Ryan, kaya pala pagdating sa akin ay sobrang tipid mo dahil may ibang babae ka, wag na wag kayo magpapahuli sa akin ng babae mo kundi!” (galit na galit at sumisigaw).

Isang araw ay sinundan ng palihim ni Glenda si Ryan dahil narinig niya na may kausap ito sa cellphone at pabulong na may kinakausap ang lalaki.

Glenda: (Bumubulong sa kanyang isipan) “Akala mo siguro hindi ko matutuklasan ang pambabae mo ha! Lagot kayo sakin ngayon!”.

At maya maya pa nga lang ay nakita niya na huminto ang kotse ni Ryan sa isang mamahaling restaurant.

Glenda: (galit na galit at sinasabi sa sarili na) “Ang walanghiya na lalaking to sa mamahaling restaurant pa dinadala ang babae niya! Lagot kayo sakin manghihiram kayo ng mukha sa aso!”

At nang makasiguro siya na nasa loob nga ng restaurant ang kaniyang nobyo ay dali itong nag-ayos ng kaniyang itsura at saka bumaba sa taxi.

Nang makapasok nga si Glenda sa restaurant ay tama nga ang hinala niya na may kasama babae si Ryan at makikita ang babae na pormal ang pananamit. Gigil na nilapitan ito ni Glenda.

Glenda: “Hello Hi, nakakaistor ba ako sainyo ha?” (galit na tanong niya)

Makikita naman sa mukha ni Ryan na gulat na gulat ito at ganon din ang kasama niyang babae.

Ryan: “Glenda anong ginagawa mo dito?”

Glenda: “ikaw dapat ang tanungin ko Mahal, anong ginagawa mo dito? At sino yang babae na kasama mo?”

Ryan: “Sandali Mahal, kung ano man ang iniisip mo ay mali yon, magpapaliwanag ako”.

Glenda: “Sige magaling na lalaki magpaliwanag ka kung ano ginagawa mo sa mamahaling restaurant na to kasama yang babae na yan. Kaya mo pala ako tinitipid ha! At ikaw babae alamo bang may girlfriend na yang kasama mo?”

Ms. Coordinator: “Sorry miss pero mali ang iniisip at sinasabi niyo. May pinag uusapan lang kami ni Mr. Ryan”.

Ryan: “Mahal, sandali makinig ka muna mali ang iniisip mo, siya si Ms. Barrientos isa siyang Wedding Coordinator. Siya ang lagi kong tinetext at tinatawagan, nakikipag kita ako sa kanya para pagusapan ang kasal natin, magpo-propose na kasi ako sayo.

Mahal, kaya ako nagtitipid ay hindi para hindi mabili ang gusto mo nagtitipid ako para mabigyan kita ng maganda at memorable na kasal. Gusto ko maging espesyal ang kasal natin Mahal”.

Hindi naman nakapag salita si Glenda sa sobrang hiya dahilsa kanyang inasta ang nagawa nalamang nito ay ang magsorry at ang umiyak.

Glenda: “Sorry sorry talaga sainyo hindi ko alam. Pasensya na akala ko kasi ..”

Nilapitan at niyakap naman agad siya ng mahigpit ni Ryan.

Ryan: “Ayos lang Mahal, wag kanang umiyak alamo naman na nagiisa ka sa puso ko at hindi ko magagawang saktan ka lalo na ang pagtaksilan”.

Matapos ang ilang buwan ay natuloy ang kasal at tuwang tuwa si Glenda dahil sobrang ganda at engrande ng naging kasal nila ni Ryan at hindi lang yan bago matapos ang araw ng kanilang kasal ay dumaretso sila sa isang malakig regalo ni Ryan ito ay ang kanilang ‘dream house’ sobrang laki at napakaganda walang masabi si Glenda kundi ang magpasalamat habang umiiyak sa kanyang asawa na si Ryan.

At dagdag pa diyan ay nakapag invest din pala si Ryan ng isang negosyo na cake and coffee shop na sila mismong mag-asawa ang mamamahala.

Nagsisisi naman sa kanyang isipan si Glenda na hindi dapat niya pinag isipan ang kanyang magiging asawa na kuripot dahil ito pala ay nag-iipon para sa kanilang kinabukasan.

Source: Inday Trending