Ang buhay ng tao ay puno ng hiwaga at surpresa, minsan ang mga ginagawa natin na para lang sa ating ikabubuti ay makakapag bigay din pala ng pagbabago sa buhay ng ibang tao.

Tulad nalamang sa nangyari sa isang Russian nurse ang gusto lamang naman ng nurse na ito ay magbigay ng aliw habang siya ay nagtatrabaho.

Hindi niya inaasahan na ang kaniyang ginawa ay magba-viral sa social media at sisikat ito kung saan ito ang naging daan sa kaniya na ngayon ay isa na siyang TV weather forecaster.

Naging viral ang larawan ni Nadia Zhukova na isang nurse sa russia kung saan makikita sa larawan na underwear lamang ang kanyang suot sa loob ng kanyang see-through protective gown habang siya ay nagta-trabaho.

Nang naging viral ang naturang larawan ni Nadia ay agad-agad siyang inalok na maging isang weather presenter sa isang local TV station sa lugar ng Tula, south of Moscow.

Bukod naman dito ay una ng inalok si Nadia na maging isang model para sa Russian Sportswear brand ngunit ito’y kanyang tinanggihan dahil ang nais daw ni Nadia ay mag focus sa kaniyang medical career.

Samantala, ayon kay Nadia ay handa na niyang kuhanin ang trabaho bilang TV weather forecaster dahil ito lang ang makakaya at maari niyang maging sideline o partime-job dahil siya ay nagtatrabaho parin sa 0spital.

Sinabi naman ni Nadia sa kanyang interview ay nang nagviral at pinag-usapan ang larawan na tanging und3rwear lamang ang kanyang suot sa see-through protective gown.

Nakatanggap din siya ng mga negatibong komento ngunit hindi siya iniwan ng kaniyang mga katrabaho at binigyan pa siya ng lakas ng loob ng mga ito.

Ang kaniya ring mga katrabaho ang nagtulak kay Nadia na ipagpatuloy ang buhay at suportado siya ng mga ito. Dahil dito ay hindi nawalan ng pag-asa si Nadia at handa na siyang pasukin ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Dagdag pa ni Nadia na ang kanya daw pamilya ay gabi-gabi manonood ng balita upang siya ay makita rito.

Lahat-lahat ng mga naging balakid o pagsubok kay Nadia ay kanyang nalampasan at siya nanatiling positibo sa buhay at determinado na abutin ang kaniyang pinapangarap sa buhay, walang iba kundi siya ay magiing ganap na doktor.