Bukod sa online selling ay andyan din ang pakikipag-barter ng mga produkto, kung saan kayo ay makikipag palitan ng produkto sa isang indibidwal kapalit naman ang produkto ng iyong napiling ka transaksyon.

Tulad na lamang ng kwento ng dalaawang netizen kugn saan ibinahagi nila sa social media ang pakikipag palit or barter nila sa isa`t-isa.

Nakipag palit umano ang babae gamit ang kanyang isang panabong na manok kapalit sa isang Lalaki ng dalawang bucket na chicken joy.

Agad-agad naman itong nagviral sa social media. Usap-usapan din ang nakakatuwang transaksyon ng dalawa at marami din ang nagulat matapos ipagpalit ni ate ang panabong na manok na kadalasan ay mahal ang presyo nito ngunit ipinalit niya lang ito sa dalawang bucket na fried chicken.

Narito naman ang nakakatuwang mga komento ng ilang Netizen:

“Nako grabe naman si Ate ipinalit ang kapatid sa Fried chicken :)”

“Ayy sige pag-alis mamaya ni Papa magkakaroon ako ng Mcdo at Jolibee 🙂 Sana di siya magalit kapag wala na bunso niya paguwe”

“HAHAHAHA! Parang ang mangyayari yata sa manok, ipanlalaban sa online sabong?! Parang lang naman ! Millionaire mind si Ate! Hahaha”

Dagdag kaalaman pa nauna ng sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na kanila lalagyan ng buwis ang mga nagoonline selling. Ngunit marami ang tutol sa kanilang plano.

Samantala, nagpaliwanag na,man ang DTI na hindi nila papatawan ng buwis ang mga malilit na online seller bagkus yung mga kumikita lang daw ng P250,000 pataas.

Pero hindi rin umano kasali dito ang pagbabarter dahil hindi naman ito labag sa batas. Dahil bago pa dumating ang mga kastila,hapon at amerikano ay ginagawa na itong pakikipag palitan o pakikipag-barter.

Source: Facebook @Brigada News FM Bicol