Madami ang tumangkilik sa pelikulang “Through Night and Day” na pinagbi-bidahan nina Paolo Contis at Alessandra De Rossi na kung saan mas minahal ng publiko dahil sa ganda ng istorya maging ang life lesson na hatid nito.

Madami ang naiyak, natawa at naka-realize na importanteng intindihin at habaan mo ang pasensya mo sa taong tunay na minamahal mo dahil hindi mo alam kung kailan ito puwedeng mawala sa iyo.

Wala dapat panahon na sinasayang dahil lamang sa mga alitan o simpleng pag-aaway.

Bukod sa “Through Night and Day”, pumatok din sa Netflix ang isa pang pinag bibidahang pelikula ni Paolo na “Ang Pangarap Kong H0ldap” kaya naman mas dumami pa ang humanga sa kaniya.

Nitong nakaraan ay nagdiwang si Paolo Contis at ang kaniyang asawang si LJ Reyes ng kanilang 5th Anniversary.

Kasabay ng kanilang pagdiriwang sa isang napakahalagang araw ay siya din nilang pinagbigyan ang mga nag aabang ng kanilang reaction video sa nasabing pelikula na “Through Night and Day”.

Madami kasi ang nag rerequest at nag tatanong kung ano ng aba ang kanilang reaksyon kung silang mag asawa ang manunuod nito.

Kagaya ng iba, noong umipas ay puro tawa at kilig ngunit noong bandang huli ay bigla na lamang humagulgol si Lj na tila hindi na mapigilan ang kaniyang pagkadala sa pelikula.

Sa katunayan, hindi na nga nila natapos ang huling 12 minutes nito dahil hindi na din kinakaya ni Paolo ang pag iyak ni Lj.

Kitang kita sap ag iyak ni Lj kung gaano siya nadala sa istorya na binidahan ng kaniyang asawa.

Marahil dahil din na hindi niya makayanan na makita si Paolo na umiiyak kahit na sa pag aartista at higit pa doon, malamang ay proud na proud si Lj sa kaniyang asawa.

Gayun pa man, naging masaya ang mag- asawa sa kanilang bonding moments noong araw na iyon. Gayun din ang fans na nag aantay na matupad ang kanilang reaction video request.