Ang pagbibigay sa iba ay napakasarap naman talaga sa pakiramdam diba nga may kasabihan tayo na “its better to give than to receive” maging maliit man o malaki ang iyong maibigay ito ay hindi na susukat.

Kahit ano pa man ito maging gamit, pera o pagkain basta ang mahalaga ay makatulong tayo at mapasaya natin ang ibang tao.

Tulad na lang ng isang pangyayari na usap-usapan ngayon sa mga social media ang ginawa ng isang bata na kahit siya ay mahirap lang ay nagawa pa niyang ialok ang isang pagkain sa di kilalang tao dahil tingin niya daw ito ay nagugutom.

Trending ang Facebook post ng netizen na si Joy Anne Vicente, Ibinahagi nito ang kabutihang ginawa ni Joshua sa kanya habang siya ay naghihintay sa parking lot.

Ayon sa kanyang kwento sinamahan daw ni Joy ang kanyang ina na mag-ayos ng mga dokumento sa OWWA, sa kanilang pagpunta don ay may kasama daw silang representative ng OWWA kung kaya naman pinili na lamang ni Joy na magpaiwan sa sasakyan.

“Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nag park, So nung aalis na yung nasa harapan ko, kinailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me” kwento ni Joy Anne.

Umaga pa lamang daw ay andon na sila sa OWWA ayon kay Joy at lagpas na ang tanghalian at hindi parin siya nakain, Maya-maya lang daw ay hindi niya namalayan na kumakatok na pala itong bata na si Joshua at tinanong daw siya kung okay lamang at kung kumain na daw ba ito ang sagot naman ni Joy ay hindi pa dahil wala siyang dalang wallet at hinihintay pa niya ang kanyang ina na makabalik.

Him: “Edi gutom ka na niyan? Ano bang gusto mong kainin may canteen naman dito bilhan kita.”

Me: “Wag na. Okay lang ako, Hinihintay ko nalang sila baka patapos na yon.”

Bago pa umalis ang bata ay humingi pa ito kay Joy ng 20 pesos kaya lang a y wala daw siyang naibigay dahil hindi niya daw dala ang kanyang wallet kung kaya umalis na ang bata.

Makaraan lamang ang ilang minuto ay bumalik ang batang si Joshua at may ibinibigay na pagkain na turon, Aniya kaya daw siya humihingi ng 20pesos ay pambili daw sana ng ulam para kay Joy at ang 10pesos daw na ibinigay ni Joy kanina nung inassist siya ay pambili sana ng Kanin.

Kaya naman ang ginawa na lang daw ni Joshua ay bumili ng Turon gamit ang 10pesos na ibinigay sa kanya, dito naman nagulat si Joy at humanga sa kabaitan na ipinamalas ng batang si Joshua.

Narito ang ilang bahagi ng post ni Joy Anne Vicente:

“I`m so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay”.

“This made me realize even more na I`m really blessed and should be thankful kasi nasa maayos akong kalagayan. And for that, I should also have the capacity na makatulong in my own little ways. Kung siya, kaya niya. So what can`t I? Why can`t we?”.

Dahil sa post na ito ni Joy ay marami ang mga netizens na nagpaabot ng magandang reaksyon at komento kay Joy Anne at sa batangg si Joshua.

Isang halimbawa talagang maituturing ang kabaitang ginawa ni Joshua sa kabila ng kahirapan ay nagagawa parin makatulong sa iba.

Patunay lamang ito na hindi lahat ng tao na ating nakikita na nakatira sa lansangan ay masama minsan pa nga ay sila pa yung kusang tutulong na walang hinihintay na kapalit.