Masakit para sa isang ama ang mawalay sa kaniyang binuong pamilya. Ngunit minsan ay kinakailangan talaga ng distansya para sa ikabubuti ng lahat.

Hindi pa din maiiwasan ang pangungulila sa kanila lalo na kung sanay kang gumising nang nakikita at nakakasama sila.

Nagkataong nag la- live noon si Philmar Alipayo na partner ngayon ng hinahangaang aktres na si Andi Eigennman nang bigla na lamang tumangis ang kaniyang mga luha dahil sa matinding emosyon nang makita niyang muli ang kaniyang mag ina.

Ngayon kasi ay nasa Maynila si Andi at ang kaniyang dalawa pang anak. Habang si Philmar naman ay naiwan sa isla ng Siargao. Malayo sila sa isa’t isa kaya naman ang tanging nag kokonekta sa kanila ay ang internet at social media.

Ang layunin talaga ng live ni Philmar ay ang ipakita ang kasiyahan nilang magkakaibigan habang tumatalon mula sa mataas na tulay pabagsak sa malalim na dagat.

Mapapanuod na pawing katuwaan at bonding iyon ng kaniyang mga kaibigan. hanggang sa lumitaw ang chat ni Andi at binate ito ni Philmar sa kaniyang live video “Hello, my love!”

Halong emosyon ang naipinta sa mukha ni Philmar nang makita niya ang mag iina. Naka ngiti man siya ngunit kitang kita sa kaniyang mga mata ang pagkasabik sa kaniyang mag ina na nawalay sa kaniya.

Sabay sabay naman din naghiyawan sila Philmar at ang mga kaibigan nito para batiin si Andi.

Ganoon din kasaya sila Andi at Baby Lilo nang makita nila muli si Philmar. Isang nakapagpapakalmang bungisngis ang isinalubong ni Baby Lilo sa kaniyang ama kaya naman hindi na nakapag tataka kung bakit lumambot ang puso ni Philmar. Bigla na lamang siyang yumuko at humagulgol ng iyak.

“Mahal, it’s live! Don’t cry. Lilo’s calling you” paalala ni Andi.

Dahil nga hindi na din mapigilan ni Philar ang kaniyang damdamin, hindi niya na nagawang humarap pa sa live maging sa kaniyang mag- iina.