Bigla na lamang pumutok ang balita ukol sa pagsab0g sa Beirut, Lebanon nito lang Martes na kung saan 137 tao ang binawian ng buhay at mahigit kumulang 5,000 ang sugatan. Patuloy pa ding hinahanap ang daan daang nawawala dahil sa pagsab0g.

Ayon sa record ng Department of Foreign Affairs, tinatayang 33,000 ang Pinoy na naninirahan at nag hahanap buhay sa Lebanon.

Nang sandaling kumalma ang ilan, nagkaroon ng pagkakataon ang GMA News upang makapanayam an gating mga kababayan.

Tunay ngang nakakaproud malaman na ang Pilipino ay likas na matulungin at may busilak na puso kahit na nasa dayuhang bansa pa sila.

Isang malaking sakripisyo ang ginawa ni Filipina Sulit Salvador na kung saan hindi siya nag dalawang isip iharang ang kaniyang buong katawan para sa kaniyang dalawang alagang bata laban sa mga nagtatalsikang basag na salamin mula sa bintana dala ng pagsab0g.

Sinalo niya lahat ng bubog kaya naman iyon ang naging dahilan kung bakit siya sugatan at naliligo sa sariling dugo. “Tatayo sana ako at sisilipin kasi may narinig akong biglang pagsab0g.

Bigla na lamang nagtalsikan ‘yung mga bubog, ‘yung main door namin na salamin pabagsak sa amin ng alaga ko kaya sinalo ko,” wika ni Salvador.

Hindi niya inuna ang kaniyang sarili kung hindi ang kaligtasan ng kaniyang mga alaga. Kasalukuyan niyang pinapakain ang dalawa nang biglang yumanig ang paligid. Bagaman natataranta, hindi niya inalis sa kaniyang isipan ang pagpapahalaga sa buhay ng mga alaga.

“Shock na shock talaga ako. Hindi ko alam. Hindi ako nakaramdam ng sakit o ano pa man noong oras na iyon pero yung katawan ko ay duguan na ako” salaysay niya.

Tunay nga kapag ang Pilipino ay minahal na ang grupong kinabibilangan at pinapamalagian sa maikli o mahabang panahon pa man, laging ang turing na diyan ay pamilya.