Usap-usapan ngayon sa social media ang isang viral video umano na pananakit ng isang Lalaki sa isang Person With Disability (PWD) at bukod sa pananakit dito ay maririnig din ang pamamahiya ng Lalaki sa isang kawawang PWD.

Ang viral video na nangyari sa may Brgy,San Fermin,Cauayan City, Isabela ay umabot na sa Programa ni sir Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo In Action” ayon sa PWD na kinilalang si Sammy Agustin nagulat umano siya sa ginawang pananakit at pamamahiya sa kanya ng Lalaking kinilalang si Julius De Leon.

Kwento pa ni Sammy kay sir Raffy ay magkaibigan daw umano sila ni Julius kaya naman nagtataka siya kung bakit ganito ang ginawa sa kanya nito. Nang tanungin naman ni Idol Raffy si Sammy kung ano ang pinagmulan ng nangyaring pananakit umano ay sinabi nito na nagmula lamang sa isang asaran at biruan na nauwi sa pikunan.

Nang makausap naman ni Idol Raffy ang nanakit na lalaki sa video na si Julius ay nagawa lang daw niya ito sa kaibigang may kapansanan dahil parang nabastos daw siya umano ni Sammy dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanya at marami daw nakakarinig ngunit humihingi din naman siya ng pasensya dito dahil talagang nadala lang daw siya ng galit.

Sinabihan naman ni Idol Raffy si Julius ng isang paalala at aral na “Huwag kang makipag-biruan kung pikon ka”.

At para naman kay Sammy ay kinausap ito ni Sir Raffy kung ano ang ikinabubuhay nito at ayon kay Sammy ay tanging panlilimos lamang ang kanyang kinabubuhay para lamang mabuhay at may maipakain siya sa nanay niyang bedridden at cancer patient.

Hindi naman nag dalawang isip si Idol Raffy Tulfo na tulungan si Sammy at sinabi ni Idol Raffy na tutulungan niya ipagamot umano ang nanay ni Sammy at bibigyan ito ng maaring maging negosyo nito para hindi na ito manlimos pa.

Labis naman ang pasasalamat ni Sammy kay Idol Raffy sa tulong na ibibigay nito at bago matapos ang naturang segment na ito ni Idol Raffy ay kinausap nito ang Kapitan ng Brgy Fermin Cauayan City upang maayos ang naging alitan ng magkaigang si Sammy at Julius.

Dahil sa ginawa na ito ni Idol Raffy ay bumuhos ang reaksyon at magagandang komento ng mga Netizens.

“Thank GOD, We Are Bless to Have a Raffy Tulfo Program on air to help us in our mundane promblem which hampers our relationshop with family and community. GOD BLESS YOUR TV STATION and Stave Mr. Raffy Tulfo.

“I got the point of the tricycle driver thats he`s fed up with all the teasing and all,but the moment he uses his hand to the person teasing him, that the moment he became WRONG”.

“Tama ka Idol Raffy “Wag mag biro kung Pikon ka” at para kay Sir Raffy solid ka talaga”.