Iba nga naman ang impluwensya ng Pinoy. Kahit na madami nanag negatibo ang mga napapansin sa kaugalian natin.

Hindi pa din ma-i-aalis ang kulturang Pinoy na kung saan ay taos pusong tinatanggap ang mga bumibisita sa Pilipinas at itinuturing itong parang tunay na pamilya.

Kaya naman hindi nakapagtataka na ang pamilyang dayuhan nina Sandara Park ay napamahal at nakuha na ang ating kultura.

Ang pamilya ni Sandara ay lumipad at nanirahan sa Pilipinas noong siya ay 10 taong gulang pa lamang. Namalagi sila dito kaya naman dito na din siya nakapag-aral ng elementarya at kinalaunaý nag dalaga.

Sa Pilipinas din ang unang nagbukas na oportunidad sa kaniya sa showbiz simula noong sumali siya sa Star Circle Quest na isang reality talent show.

Doon ay nadiskubre siya ng marami at nagsimulang bumukas ang mga pinto patungo sa magandang karera. Bihasa na si Sandara at ang kaniyang pamilya sa pag sasalita ng Tagalog dahil sa tagal nilang namalagi dito.

Taong 2007 nang bumalik na muli si Sandara sa kaniyang bansang South Korea at sinimulan ang career bilang pambasang krung-krung sa Pinas at miyembro naman ng sikat na 2ne1 KPop Girl Group.

Madami naman ang natuwa kay Sandara noong siya ay nasa isang Talk Sow na “Video Star” na kung saan bigla na lamang ito nagsalita ng tagalog noong naubusan na siya ng kaniyang sasabihin.

Siya kasi ay naatasang magkaroon ng impromptu skit kasama ang kapwa aktres. Ang eksena ay tungkol sa isang mother- in- law na hindi nagustuhan ang suot ng kaniyang manugang.

Madami ang natawa at natuwa nang diretso siyang sinabing “Ano po ang sinasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan, galing po ako sa Pilipinas. Hindi ko alam”

Nakakagalak nga namang isipin na hindi pa din nakakalimutan ni Sandara ang kaniyang kinalakihan sa ating bansa.