Marahil madami ang nagtataka kung bakit laganap ang mga larawan ng kababaihan na mayroong black and white na filter.

Ang iba ay nagtatanong kung bakit mga kababaihan lamang ang gumagawa noon habang ang iba ay inaalam kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng mga larawan na iyon

Para sa kaalaman ng lahat, muli na namang tumaas ang mga babaeng pinap@tay sa bansang Turkey kagaya na lamang ni Pinar Gultekin na kung saan brut@l na pin@tay sa edad na 27 taong gulang.

Noong una ay binalitang nawawala lamang siya sa may lalawigan ng Aegean ng Mugla noong Hulyo 16.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang walang kalaban-laban na dalaga ay binugb0g at sin@kal hanggang sa mawalan ito ng hininga. Saka sinun0g ang b@ngkay, tinapon sa basurahan at tinakpan ng simento upang walang makaalam.

Limang araw bago nadiskubre ang nangyari kay Pinar. Ayon sa The Guardian, ang sal@rin ay nakilala bilang si Cemal Metin Avci, 32 taong gulang na siyang dating nobyo ng dalaga.

Ngayon ay nakakul0ng na ito at sinampahan ng kasong h0mic!de

Muling nag init ang mga mamamayan ng Turkey dahil sa ginawang karumal-dumal na pagp@slang kay Pinar.

Sa katunayan,  Ang bansang Turkey ang may pinaka-mataas na femic!de rate sa buong mundo na matagal na nilang pinoproblema.

Ang femic!de ay nangangahulugan ng ng pagp@slang sa mga kababaihan.

Nagsagawa ng rally at protesta para sa kaniya at sa mga naging biktima ng femic!de. Nakakalungkot lamang na sa bawat pag bukas ng telebisyon ay maririnig sa balita ang walang hint0ng pagp@tay sa mga kababaihan.

Kaya naman bilang pakikiramay, nagtampok ng Black and White na mga larawan ang bawat kababaihan na nangangahulugan na pagiging matatag at pakikiisa sa girl empowerment.