Sa gitna ng pand3mya, isa sa ating nagiging pass time ay ang panonood ng mga videos.

Nakakatawa, nakakatakot, nakakakilig o ang mga vlogs na kung saan ay mas nagiging makatotohanan pagkat ang nilalaman nito ay ang mga challenge, house tour at everyday routine.

Ang mga vlogger kung tawagin ay nagbubuhos ng madaming effort at self- confidence upang maisagawa ito.

Iyan ang dahilan kung bakit ang 10 Pinoy YouTube Vloggers na ito ay talaga namang kumikita ng malaking pera sa pamamagitan ng kanilang mga YouTube Vlogs.

Narito ang Top 10 Riches Pinoy Vlogger:

10. Lloyd Café’ Cadena VLOGS

Si Lloyd Café Cadena a.k.a LC ay nakapagtapos ng Financial Management na kurso sa Colegio de San Juan Letran na mayroon ngayong 5.1 million subscribers at 554 na videos

9. Keith Talens

Si Keith ay isang Star Magic Talent, estudyante at kilalang vlogger na mayroong 2.6m na subscribers at 395 videos

8. Alex Gonzaga

Catherine Gonzaga sa totoong buhay ngunit ang kaniyang screen name ay Alex Gonzaga na kapatid ni Toni Gonzaga.

Madalas marinig ang “Catherine” sa kaniyang vlogs sa tuwing siya ay napapagalitan. Siya ay isa ding aktres, host, comedian, singer, author at vlogger na mayroong 7.9 million subscribers

7. Cong TV

Nagsimula ang karera bi Cong bilang Youtube vlogger noong 2013 pa. siya ay kilala dhil sa kaniyang mga nakakatawa, nakakainspire at iba pang video content. siya ay may 6 million subscribers at 324 videos

6. Bretman Rock

Siya ay 21 taong gulang na at nakatira sa Hawaii sa loob ng 7 taon. Siya ay mayroon nang 7.65 million subscribers at 112 videos

5. Ranz Kyle

Mayroon na siyang 12.5 million subscribers at 331 videos. Kilala siya sa pagiging isang magaling na dancer at isang social media personality

4. Niana Guerrero

Bata pa lamang ay nakitaan na siya ng potensyal sa pagiging isang magaling na dancer kagaya ng kaniyang kuya na si Ranz Kyle. Ngayon ay mas lalo pa siyang sumikat hindi lamang sa Youtube kung hindi sa iba pang social media platform gaya ng TikTok. Kasalukuyang 11.4 million subscribers na ang mayroon siya at 226 videos

3. JaMill

Jayzam Lloyd Manabat at Camille Trinidad ang kanilang mga tunay na pangalan at sila ang isa sa mga sikat na loveteam. Kilala sila dahil sa kanilang mga prank videos sa isa’t isa. Mayroon na silang 10.5 million subscriber at 536 videos

2. Guava Juice o si Roi Fabito

Siya ay isang Fil-Am Youtube Vlogger na kilala sa kaniyang mga challenge videos. Mayroon siyang 15.7 subscribers at 1.5k videos

1. Raffy Tulfo in Action

Siya ay kilala bilang Idol Raffy na kung saan tumutulong maresolba ang mga problema lalo na ng mga low- class citizens. Mayroon siyang 13 million subscribers at 4.9k videos.