Sa gita ng pandemya ngayon tunay ngang wala nang ligtas na lugar para sa iyo at sa pamilya mo dahil sa pataas na pataas na positibo sa virus na C0’VID.

Maski sa sariling tahanan ay hindi ka nakakasigurado dahil kinakailangan pa ding lumabas ng isa sa inyo para makapapamili ng ilang mga pangangailangan.

Malamang ang iba ay nagsasawa na sa paulit ulit na balita patungkol sa C0’VID kaya naman isang napaka gandang ulat ang nanggaling sa datos ng Department of Health na inilahad naman ng ABS- CBN investigative and research group na kung saan ang probinsya ng Batanes ay itinalagang C0’VID Free.

Noon pa man ay madami nang dumadayo dito para masilayan ang mga magagandang tanawin ngunit talaga nga namang kamangha mangha na hindi lamang ito maganda kung hindi, malinis pa.

Ito na lang ang kaisa- isang probinsyang walang kaso ng C0’VID.

Kung ang Batanes ay C0’VID Free, ang Masbate naman ang sinasabing may pinaka maraming aktibong kaso nito. mabilis pa din ang pagkalat ng virus dahil hindi na din mapigilan ang madami sap ag labas simula nang ideklara ang “New Normal”.

Samantala, muling lumobo ang bilang ng mga positibo sa C0’VID noong Miyerkules. Umakyat ito sa 115,980 nang magpositibo ang 3,462 pasyente.

Gayun pa man, patuloy tayong mag dasal sa kaligtasan ng bawat isa lalo na ngayon at delikado pa.