Ang pangunahing kailangan para maging matagumpay ka sa buhay ay sipag, tiyaga, determinasyon at syempre ang pinakaimportante ay ang pananalig sa Diyos.

Sa iyong pagpupursigi ang lahat ay unti-unti mo rin makakamtam at ang lahat ng iyong pangarap ay iyong maabot maging sa mga materyal na bagay.

Tulad na lamang ng mga hinahangaan natin na celebrities o artista marami sa kanila ang nagmula sa simple o mahirap na buhay.

Dahil sa kanilang pagsisikap at pagiging determinado sa kanilang pangarap ay naabot nila ang kanilang pinapangarap na buhay.

Gaya na lamang ng aktres, singer , endorser at model na napakagandang si Jillian Ward siya ay isang kahanga-hanga at isang ehemplo ng mga artista na dapat tularan dahil ibinubuhos niya talaga ang kanyang mga kinikita sa pag-artista para makapag pagawa ng bahay para sa kanilang pamilya.

Ang lahat ng biyayang ito ay bunga ng kanyang pagsisikap, ayon pa sa aming source ang bahay daw na ipinapagawa ng teen superstar ay talagang pinag-ipunan at binigyan ng oras at effort ni Jillian para unti-unti itong maipatayo.

Kamakailan lamang ay ipinakita ni Jillian ang kanyang bahay na ipinapatayo at proud na proud siyang ipakita dahil ito ang nagsisilbing bunga ng kanyang tagumpay.

Ayon sa kanyang post sa Twitter account.

“Another blessing, almost done! Thankyou lord for everything. I`m genuinely so happy and inspired right now. <3 #soon,”

Talaga naman nakakahanga si Jillian dahil sa kanyang murang edad na 15 taong gulang ay nakapagpundar na agad siya ng bahay para sa kanyang pamilya. Sobrang ganda nito at napakalaki.