Sa kabila ng marangyang buhay ng pamilya nina Richard Gomez at Lucy Torres kasama ng kanilang kaisa isang anak na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez, pinipili pa din ang simple at komportableng pamumuhay sa probinsya.

Noon pa maý hinahangaan na ang mag-asawang ito. Si Lucy ay hinahangaan sa kaniyang pag-me-maintain ng kaniyang figure at batang batang hitsura sa kabila ng kaniyang edad at pagkakaroon na ng anak.

Tila hindi mo talaga mapapansin na siya ay pamilyadong babae na dahil makikita sa mukha ay matatawag na ‘baby face’.

Ganoon din ang asawang si Richard Gomez na hinahangaan noon pa man dahil sa kaniyang angking kagwapuhan. Bukod pa dito ay ang kaniyang pagiging isang magaling na aktor noong panahon.

Silang pamilya ay madalas mag bakasyon sa Ormoc City kung saan naninirahan ang magulang ni Lucy at nito lamang nakaraang holiday ay bumisita sila doon.

Makikita sa kaniyang IG Account ang mga larawang kuha sa kanilang tahanan at bakuran sa Ormoc na may caption na talaga namang nag hahatid ng mensahe kung gaano kasarap ang pamumuhay sa isang payak na probinsya.

Simple ngunit nakakapanatag ang hangin maging ang ibang tanawin.

Naging masaya ang kanilang holiday kasama ang pamilya ni Lucy. Makikita din na ang celebrity couple ay nag papakain ng mga alagang manok.

Ang nasabing lupain ay pag mamay- ari talaga ng magulang ni Lucy na kung saan mayroon din itong plantasyon ng mga asukal.

Maluwag at malawak ang kanilang lupain dito kaya naman pwedeng pwedeng mag daos ng mga selebrasyon at salu- salo. Samantala, mayroon din silang tahanan sa isang mamahaling subdivision sa Ormoc sa Carlota Hills.