Para sa araming tao, ang mga domestic animals na nakatira sa kanilang bahay ay hindi lang basta “pets” kung hindi parte na din ng pamilya kaya sa mga hindi inaasahang pagkakataon, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang iligtas ang mga ito sa kahit na ano pang paraan.

Ang mag asawa sa bansang Japan ay halos isakripisyo na din ang kanilang sariling buhay matapos tumangging mag evacuate sa kanilang bahay at iwanan o aband0nahin ang kanilang mga alaga.

Mabuti na lamang at namataan agad sila ng mga rescuers na nakasakay sa helicopter at iniligtas bago pa anudin ang kanilang bahay ng matinding baha.

Walang pagkakakilanlan ang mag- asawang ito ngunit napag alaman na sila ay mula sa Joso, Japan. Ayon sa mga ulat, ang lugar na iyon ay nakaranas ng mataas na baha at nakamamatay na delubyo na nilamon ang madaming kabahayan.

Madami na ang nag evacuate ngunit ang mag- asawang ito ay pilit nanatili kasama ng kanilang dalawang alagang aso kahit na ang kapalit nito ay buhay din nila.

Mabuti na lamang at mayroong mga rescuers na nakakita sa kanila. Agad na bumaba ng helicopter ang dalawang rescuers upang mailigtas ang pamilya.

Sa kabila ng hirap at sakripisyo nilang lahat, ligtas naman silang naisalba sa bubong ng kanilang bahay. madaming netizens ang natuwa sa dramitikong kwento na ito lalo na ang mga taong may alaga ding aso at pet lovers.