Dahil sa kinahaharap ng buong mundo ngayon na krisis dahil sa C0’VID na kumakalat na sakit ay maraming tao ang nawalan ng trabaho.

Maging dito sa ating bansa ay napakaraming nawalan ng hanap-buhay kaya naman ang iba sa atin ay gumagawa ng paraan para may kitain lalo na ngayon na usong-uso ang online business mapa-pagkain man yan o kahit anong gamit.

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng online business ay hindi maiiwasan ang maloko o magoyo sa trabahong ganito. Tulad na lang ng nangyari sa isa nating kababayan na nag-oonline business.

Viral ngayon ang isang Facebook post ng netizen na si Xia Jae na tungkol sa isang Youtuber daw umano na umorder at nagpaggawa sa kanyang kuya ng sampong sarrangola ngunit ng ito ay dinedeliver na ay sinabihan daw ang kanyang kuya ng umoorder ng saranggola na ito ay isang prank lang.

Lahat naman ng mga screenshots ng usapan ng kanyang kuya at ng babaeng nagpapagawa umano ng saranggola na si Jane Aquino ay iponst ni Xia Jae.

Sa umpisa daw ng usapan ng kanyang Kuya at ng nagpapagawa ng sampung sarnggola na si Jane ay maayos naman daw ito kausapan sa katunayan nga daw ay ang halaga ng sampung saranggola ay 500 pesos.

Mababasa sa usapan ng dalawa na tila nangungulit pa si Jane kung kelan daw matatapos ang inorder niyang saranggola dito at sa pagpapatuloy ng kanilang usapan ay tila niloloko na daw ang kanyang kuya ng babaeng umoorder dahil nahingi daw ito ng discount kapalit ng isang halik hindi naman pumayag ang kanyang kuya dahil ito ay may pamilya na.

Nang matapos daw ang mga saranggola at ito ay idedeliver na ay marami na daw dahilan si Jane, ang una daw na pag-usapan na meet-up ay sa isang gas station ngunit ng pagdating doon ng kanyang kuya ay wala si Jane at humingi pa daw umano si Jane ng picture ng mga saranggola katunayan na dala ito.

Sumunod na sinabi ng umoorder na si Jane na sa Mcdonalds na lang daw ang meetup, at pagdating daw doon ng kuya ni Xia ay tsaka daw sinabi ni Jane Aquino na prank lang daw ang lahat ng iyon.

“Sir nasa Youtube po kayo, It`s a prankkkk” sambit ni Jane Aquino.

Samantala sa nangyaring ito napag-alaman na Fake Account ang naka-chat ng kuya ni Xia at ito ay isa lamang poser.

Dahil sa post na ito ni Xia umani ito ng sari-saring komento na umabot na sa 20K comments 70k reactions at 63k shares.

Narito naman ang kabuuan ng post ni Xia:

“kung sino man tong babae na to baka may nakakakilala po sainyo taga PROJ 8 daw sya pero may bahay sila sa TINIO BAGONG BARRIO ! Nag-pagawa po sya ng sampung saranggola sa kuya ko ! Nung nagawa na at de-deliver na sasabihin lang “iTS A PRANK” tang!#$% pinaikot ikot pa yung kuya ko kahit saan saan umuulan pa!

T*ng*na nanggigigil ako gusto ko makilala tong babae na to gusto ko paliparin sa gigil ko ! Pagod at effort ang puhunan tarantado ka pinag puyatan pa para madeliver na agad sayo tapos sasabihin mo lang prank ! Bilis mo mag deactivate kup4l ka!

Di nya din naisip na may v!rus pa lumabas pa kuya ko para makapag-deliver. Sana may makakilala at masabe samen salamat po!”

Source: Facebook