Galit na galit ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa vlogger na usap-usapan ngayon na dahil sa pagkukunwari at pagsisinungaling nito na isa daw siyang bis3xual.

Giniit nila na si Marlou Arizala o mas kilala ngayon na Xander Ford ay nagsisinungaling at nilol0ko ang publiko sa tunay niyang kasarian para mapagtakpan ang kaniyang mga ginawa na labag sa batas at makakuha ng simpatya para sa sariling kapakanan.

Matapos kumalat sa social media account ang kanyang Facebook post na sinasabi niyang, “Hindi na po ako part ng LGBTQ linawin ko lang at Goodbye Xandra, Welcome Xander Ford”.

Samantala, sa simula palang ay marami na ang nagsasabi na alam naman nilang hindi bis3xual ang binata at ginagawa lamang itong “modus” para makakuha ng simpatya.

Kahit mismo ang miyembro ng LGBTQ community ay nagbigay ng komento na gingawa lamang ito ng binata upang malihis ang issue sa pagsasampa sa kanya ng kanyang ex-girlfriend ng kaso dahil sa pananakit nito.

“We know. Ginamit mo lang ang pagiging “bi” for publicity. Marlou is an awful human being before and after his surg3ry”.

Narito naman ang ibang naging komento ng mga Netizens sa Page ng Equality PH.

“Alam mo napakapangit mo na nga, napaka-pangit pa ng ugali mo, gagawin mo talaga lahat noh para lang pag-usapan”

“Dapat hindi lang mukha pinaayos mo pati yang utak mo. Sobra kana dapat talaga sayo makulong na napakadami mo ng nasasagasaan o kaya sa susunod baliw baliwan ka naman”.

Kung may mga netizens naman na galit na galit ay may meron din naman na concern sa binata at sinabing hindi lang siguro nag kakaintindihan at hayaan na muna ang bata nang mag-isip at wag muna agad agad itong husgahan.

Kamakailan lang din kasi ang paglalantad ni Xander na siya ay isang bis3xual kasabay nito ang pagpapakilala niya umano sa kanyang boyfriend kuno sa pamamagitan ng isang vlog.

“Straight po talaga ako. Talagang hindi po ako na-a-attract sa lalaki. Nito lang, parang ngayon ko lang na-realize na eto, may naramdaman akong ganito, parang na-develop ako sa kapwa ko lalaki.

“Kung sinasabi nila sa akin kung paano ako naging bis3xual, kasi po ang bis3xual ay nagkakagusto sa babae at nagkakagusto sa lalaki” pahayag ni Xander.

Ayon naman sa kanyang boyfriend kuno ay “Hindi ko po siya ginagamit kasi alam naman po niya ang ugali ko. Nagsabi na rin po ako sa kanya”.

Ano ang masasabi niyo? Tunay nga ba ang sinasabi ni Xander Ford sa kanyang pagkatao o ginagamit lamang niya ito upang pagtakpan ang kanyang ginawa sa ex-girlfriend?

Source: Inquirer