Lahat naman tayo ay dumaan sa ating kabataan kung saan ay nakasanayan natin ang mga larong pambata. Isa na dito ang patintero, luksong baka, takbuhan, habulan, pagpapalipad ng saranggol at iba pa.

Ang masaya sanang araw para sa isang mag-ina ay biglang nabalot ng tak0t sa isang lugar sa bansang Taiwan sa ginanap na Kite Festival.

Hindi sinasadyang mapasabit ang katawan ng isang 3-taong gulang na batang babae sa buntot ng malaking saranggola hanggang sa makalipat ito na tinatayang 100 talampakan ang taas sa ere.


Sa isang ulat ng Reuters, Nakuhanan mismo ang video ng pangyayaring ito, Lahat ay natakot at nagkagulo ng makita na umangat ang saranggola kasama ang bata na nakasabit sa buntot nito.

Mabilis lang ang pangyayari at sa awa ng Diyos ay maayos naman na ibaba agad ang bata sa saranggola at nagkaroon lang ito ng maliliit na galos.

Dahil sa pangyayaring ito na dapat ang Festival na ito ay maging masaya ngunit muntik na mauwi sa trahedya ay napagdesisyunan ng namumuno ng nagdaos sa Kite Festival na tapusin ng maaga ang kasiyahan na ginanap sa Hsinchu City.

Ayon naman sa lokal na pamahalan ng Hsinchu City ang nangyari sa bata ay pumulupot daw sa baywang nga bata ang buntot ng saranggola ng biglang nagkaroon ng malakas na hangin dahilan kung bakit napakapit sa katawan ng bata ang saranggola.

Source: GMA