Kadalasan sa pamilya, palaging mayroong mga nakatokang gawaing bahay kagaya ng pag wawalis, pag lilinis ng CR, paglalaba, pag tutupi at ang sikat na sikat nap ag huhugas ng plato.

Ang madalas na nag aaway- away dito ay ang mga mag kakapatid na kung saan nagkakatamaran talagang gawin ang kanilang mga gampanin sa bahay.

Dahil sa tagal nating nananatili sa bahay dahil nga sa umiiral na pandemya, hindi tayo maaaring makalabas o makapamasyal man lang sa ibang lugar dahil hindi na ito ligtas.

Kumpara noon, sa ganitong panahon ay nagpapahinga o naglilibang sana ang mga empleyado at estudyante ngunit hindi na nga puwede.

Kaya naman walang ibang pagpipilian kung hindi sa bahay na lang. Paulit- ulit ang gawain kaya madalas nakakatamad nang gawin.

Kaya naman madaming netizens ang nakapag “sana all” sa viral post ni Lordgregory Sacay na kung saan makikita sa larawan na mayroong air conditioning unit sa taas mismo ng lababo.

“Gaganahan ka na lang talaga magligpit eh” saad niya sa caption. Sino nga naman baa ng tatangging maghugas ng plato eh kung nakatapat naman saýo ay air con na ito?

Narito ang komento ng mga netizens ukol dito;

“baka, makatulog ako nyan sa tapat ng lababo..”
“sinadya yan.. baka uminit ulo mo kakahugas.. kailangan mo magpacool hahaha”
’’ baka kahit hindi hugasin, hugasan ko kapag ganito HAHAHAHAHAHAHAH’’