Madaming tao ang naapektuhan ang kanilang mga trabaho dahil sa pandemyang ito.

Ang iba ay nagkaroon ng aberya ng trabaho habang ang iba ay tuluyang nawalan ng trabaho ngunit ang kauna- unahang astronaut ng bansang Malaysia na si Dr. Sheikh Muszaphar Shukor na nauwi sa pagiging delivery boy ng isang restaurant.

Makikita sa kaniyang ibinahaging larawan noong Abril 22 ay pansamantala muna siyang delivery boy ng isang local restaurant na “Restoran Rebung Dato Chef Ismail” sa loob ng isang linggo.


Taong 2003 din nang maging ganap siyang co- owner katuwang si Chef Ismail ng naturang restaurant sa Kuala Lumpur.

Narito ang sinabi ni Dr. Sheikh “I remember going to Pasar Borong Selayang at 4am during those days, buying fresh seafood everyday for the first six months during our start up.”


“And Alhamdulillah – after 17 years Rebung still standing strong with 80 staffs achieving many Awards – Best Malay Food for 5 consecutive years .

We even shifted from Bangsar Park to Botanical Park in 2018 for a more spacious 5 storey parking space and could accommodate upto 500 pax .” dagdag pa niya.


Marami naman ang natuwa sa kaniyang ginawang pagkakawang gawa na magsilbi sa kanilang mga customers kahit pa isa na siyang ganap at tanyag na astronaut sa kanilang bansa. Bilang pasasalamat na din sap ag tangkilik sa kanilang mga putåhe.