Ang mga bata ang pag-asa ng bayan, yan ang sinabi ng ating Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal. Totoo naman talaga ito at bukod diyan halos lahat naman ay malapit ang puso sa mga bata.

Tila ba isang pa cute lamang nila o isang “Please” na may kasamang maamong mukha ay bibigay na tayo kung ano mang gusto nila.

Ngunit may kasabihan tayo na “walang permanenteng bagay sa mundo” Isa na diyan ang pagiging cute na bata dahil kahit gustuhin man natin na maging bata na lamang habang buhay ay imposible naman talagang mangyari ito.

Dahil darating ang panahon na magiging binata at dalaga na tayo at tatayo na sa sariling mga paa.

Katulad nalang ng dating sikat na child superstar na si Xyriel Manabat na ngayon ay isa nang ganap na dalaga.

Unang nakilala si Xyriel taong 2010 sa palabas na “Agua Bendita” bilang batang Andi Eigenmann ngunit mas nakilala si Xyriel ng pagbidahan niya ang teleseryeng “Momay” ng taong din na iyon.

Ngayon nga ay 16-taong gulang na si Xyriel marami naman mga netizens ang nagulat at namangha sa sa naging transpormasyon ng dating child superstar na dating cute na cute na ngayon ay ganap ng dalaga.

Marami ang mga netizens na nakapansin sa social media post ng dating child superstar kung saan may caption niya ito na “Simplicity with a dash of elegance!”.

Gulat na gulat ang mga nakakita ng larawan ni Xyriel at ang iba pa nga ay hindi naiwasan magbigay ng kanilang komento dahil sa paghannga sa angking ganda nito at balingkinitang pangangatawan.

Kamakailan nga lang Hunyo 2020 ay nagpost si Xyriel ng kanyang larawan, Ang larawan na kanyang ibinahagi ay ang kanyang pagtatapos ng Highschool sa Golden Faith Academy sa Taytay, Rizal.

Tunay naman talagang masasabi na isang napakagandang halimbawa at ehemplo siya sa maraming mga kabataan dahil sa kabila ng kanyang pagtatrabaho bilang artista ay hindi parin niya iniwanan at kanyang tinapos ang kanyang pag-aaral na pinakamahalagang achievement sa ating buhay.