Marami sa ating ang may mga alagang aso, ang iba nga ay ang turing na nila sa kanilang alaga ay matalik na kaibigan o kaya naman ay kapamilya.

Siguro ay kapag nabasa ito ng mga mahihilig sa hayop o kung tawagin ay “animal lovers” ay tiyak kong matutuwa kayo at mapapahanga sa kwento ng isang lalaking ito.

Maraming mga netizens ang humanga sa batang lalaki na ito dahil sa pagmamalasakit at pagmamagandang loob na kanyang ipinakita matapos niyang iligtas ang isang asong ginaw-na-ginaw at basang-basa sa ulan sa may isang ilog sa Amparo Subdivision sa Caloocan.

Ayon sa netizen na nagbahagi ng kwento na ito na si Nini Ragos isang umaga ng siya daw ay patungong palengke ng makita nila ang isang kawawang aso, nagtanong daw sila sa mga tao na malapit sa ilog kung sino daw ang maaring sumagip sa asong basang-basa nasa gilid ng ilog.

Ayon pa kay Ragos ay tingin niya ay matagal nang nakababad ang aso sa ilog kung kayat hindi na ito makakilos sa sobrang lamig.

Buti na nga lang daw ay may isang batang lalaki na gumawa ng paraan para mailigtas ang kawawang aso.

Napag-alaman naman ng aming source na ang may-ari daw ng asong ito ay dumalaw muna sa kamag-anak at iniwan ang alaga nito sa kapitbahay para naman daw may tumingin tingin habang wala ang amo nito.

Ayon din dito na bagong panganak lamang ang asong ito at kailan lang ay nagsilang siya ng anim na tuta.

Ang kawawang asong ito ay nagpapadede pa ng kanyang mga tuta kaya naman kailangang kailangan siya ng kanyang mga anak.

Ayon naman kay Ragos:

“Mabuti na lang may lalaki nagmalasakit na iahon si mama dog na may 6 na anak na pina didede. Hindi kami umalis hanggat hindi namin nakikitang ligtas ang aso. Salamat ulit sa iyo Kuya”

Dahil sa ginawa na ito ng Batang Lalaki marami naman ang sa kanya ay humanga at bumilib. Hindi niya inalintana ang panganib na dulot ng mabilis na pag-agos ng ilog mailigtas lamang ang kawawang aso.

Patunay lamang ito na marami parin mga tao na handang tumulong sa mga nangangailangan at hindi magdadalawang isip.

Sana ay maging inspirasyon din ang Batang Lalaking ito sa marami pang tao lalo na sa mga Kabataang tulad niya.

Posted by Nini Ragos on Thursday, August 20, 2020