Ang mga bata ay hindi dapat nadadamay sa kahit anong gulo, alitan at lalo sa sakitan ng dalawang panig na mag kaaway.

Pagkat sila ay walang kaalam alam at walang kamuang muang sa mga nangyayari sa kanilang paligid o sa mga problema ng matatanda.

Kagaya na lamang nitong isang kwento ng ina na kay bigat ng kaniyang pakiramdam na naghalo ang galit at awa dahil sa sinapit ng kaniyang anak na aksidente raw na nabuhusan ng kumukulong tubig ng kaniyang pinag kakautangan ng halagang 700 piso.

Bilang isang ina, masakit sa kaniyang tingnan na ang kaniyang anak ang nagdudusa dahil sa maliit na halaga na ito.

Ibinahagi sa kaniyang social media na si Marites Paz Caldo ang larawan ng kaniyang anak na may malaking lapnos sa kaniyang kaliwang hita.

Nang makita ng mga netizens ang post na ito, madami ang nag hihinala na mukhang hindi daw ito aksidente kung hindi, sinadya daw ito ng babaeng kaniyang pinagkakautangan marahil sa sama ng loob.

Pinanatiling pribado ni Marites ang pangalan ng babaeng gumawa nito sa kaniyang anak. Bukod pa doon, hindi niya din ito pinag bintangang sinadya ang nagging pang yayari.

Isinalaysay ni Marites na dumaan lamang ang kaniyang anak na lalaki sa tapat ng bahay ng kaniyang pinag kakautangan nang bigla na lamang ito nagbuhos ng kumukulong tubig sa tapat na kalsada ng walang dahilan.

Ayon sa babae, bigla na lang daw siya nakaramdam ng inis kaya naghagis siya ng kumukulong tubig sa daan.

Hindi lamang ang ina ang nasaktan kundi pati na rin ang mga netizens na nakakita at nakabasa ng post na ito. Hindi mababayaran ng halagang P700 ang sinapit ng kawawang bata na ito.