Ang pag kakaroon ng isang masaya at buong pamilya ay marahil pangarap ng lahat. Kung iisipin mo nga naman, sa tuwing pagod ka sa trabaho o pag- aaral, may pamilya kang uuwian.

Kapag ikaw ay may problema, nariyan sila upang masandalan.

Ngunit kay pait nga naman ng sinapit ng batang ito na sa murang edad ay wala na siyang maituturing na magulang. Ang batang ito ay hindi basta iniwan lang pwedeng mabalikan pagkat ang kaniyang mga magulang ay tuluyan nang lumisan.

Ibinahagi ng Facebook Page na Trending Viral ang kwento ng batang si Macky na kung saan naunang pumanaw ang kaniyang ina na si Mailyn Sabandea nitong taong 2020 lamang noong buwan ng Enero na sinundan naman ng kaniyang ama na si Mark Anthony Cabagnan Sandoval makalipas ang walong buwan.

Naiwang mag isa si Baby Macky. Mabuti na lamang at handa siyang kupkupin ng mga kamag- anak nila ngunit sa kabila nito, malamang pag dating ng panahon ay hahanapin niya din ang kaniyang mga tunay na magulang na kung saan lubos siyang masasaktan dahil sa sinapit nito.

Madaming netizens ang alungkot sa naging karanasan ni Baby Macky. Nawa ay gabayan siya ng mga anghel sa langit at patuloy na patatagin ng Diyos upang magpatuloy sa agos ng buhay.