Nakakalungkot isipin na ang mga batang katulad ni Jessie Almoza na may edad na 10 taong gulang na dapat ay naglalaro, nagpapahinga, nag- aaral sa bahay ay kinakailangang kumayod upang makatulong sa kaniyang pamilya.

Tila parang pinagkaitan nga naman ang mga ganitong bata ng kaligayahan at kinakailangang magseryoso sa laban ng buhay.

Isa sa mga sakripisyo sa araw- araw ni Jessie ay ang matiyagang nagtitiis sa ilalim ng matinding sikat ng araw upang makapag benta ng kabute o mushroom sa Ingles ngunit mas kilala ito sa kanila bilamg “bo-o” sa Cordillera.

Madaming taglay na health benefits ang “bo-o ” kaya naman madami din ang namimili nito sa kanila.

Sa ilalim ng payak na silong, na naka pwesto sa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet, ay doon nananatili at nag hihintay si Jessie sa mga motoristang dadaan at saka sisigaw ng “bo-o” upang makabenta.

Ang maliit na kita sa pagbebenta ng kabute ay kaniyang inihuhulog sa maliit na plastic na bote upang makapag ipon sa sa kaniyang pagbabalik- aral.

Sa kasamaang palad, wala ding permanenteng trabaho ang kaniyang mga magulang. ang kaniyang ama ay nai-str0ke habang ang kaniyang ina at mga kapatid naman ang siyang gumigising ng maaga upang umakyat sa bundok para sa kabute na ibebenta naman ni Jessie.

Mapait man ang dinaranas ng batang ito, dasal ng marami n asana ay pagpalain at gantimpalaan siya ng maykapal upang tuluyang magbago na ang kaniyang buhay.

LOOK: Sa gitna ng mainit na araw, matiyagang nag-aabang ang mushroom kid vendor na si Jessie ng mga motoristang puwedeng…

Posted by The LOStories on Wednesday, June 17, 2020