May mga taong puno ng talento sa ibat-ibang larangan hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon na makilala dahil ang iba ay mga nasa tagong lugar.

Ang iba pa nga ay bata pa lamang ay may kakayahan ng parang isang Propesyonal tulad na lamang ng isang batang estudyante na ito.

Usap-usapan ngayon ang isang Grade 12 student matapos nitong iguhit ang obra mismo ni Leronardo Da Vinci na “Last Supper” sa pamamagitan lamang ng sikat ng araw at magnifying glass ang istudyante na ito ay mula sa Pagsanjan, Laguna.

Ang istudyanteng gumihit nito ay nagngangalang Mark Roberto Reyes Abilong siya ay matiyagang nagbabad sa ilalim ng sikat ng araw para lamang ito ay maiguhit.

Ang pamamaraan na kanyang ginagawa sa pagguhit ay tinatawag na pyrography na kung saan unti-unting sinusunog ang piraso ng kahoy o leather upang makabuo ng isang imahe.

Ang madalas na ginagamit dito ay metal pero sa ginawa ni Robert ay gumamit siya ng init ng araw at magnifying glass.

Ayon kay Robert tumagal siya ng isang linggo para lamang ito ay maiguhit lalo na daw at pabago pabago ang panahon.

Marami pang siya na iguhit na larawan bukod sa Last Supper ay meron din siyang imahe ng Birheng Maria at ang sikat an mambabatok na si Apo Whang-Od.

Sa kanyang mga obra ito ay umagaw ng atensyon sa ibat-ibang network at mga balita. Sabi pa ni Robert ay “unexpected” daw ito.

Ngayon ay pinapasok naman ni Robert ang pagiging tattoo art, tunay lamang na siya ay isang alagad ng sining. Hindi biro ang gumuhit ng art works kagaya ng ginawa niya ito ay nangangailangan ng tyaga, pasensya at oras sakripisyo.

Talaga naman nakamamangha at kahanga-hanga si Robert dahil sa kanyang pagiging malikhain at nakakabilib din ang kanyang tyaga para lamang makagawa ng isang obra na makabuluhan.