Kung ang utang nap era ay mahirap bayaran, ano pa kaya ang respeto, tiwala at utang na loob na hindi man lang magawang masuklian?

Mahalaga na may tiwala na pinang hahawakan lalo na sa isang relasyon na matagal nang pinag sasamahan. Maaaring kasintahan o kaibigan pa iyan.

Isa ang pera sa sumisira sa mga relasyon dahil dito nagkakatalo kung sino ng aba ang totoo. May mga kaibigan tayo na handang magbigay ng tulong hanggat kaya. Ang pinautang ay dapat lamang bayaran kahit malaki o maliit na halaga pa iyan.

Ngunit nakakalungkot isipin na kadalasan ay mas nahihiya pang maningil ang nag pautang kaysa sa nang utang. Minsan ay mas galit pa ang hindi nag babayad kaysa sa naniningil.

Mabuti na lamang ay mayroon pa ding mga tao ang gaya ng nasa post ng netizen na si Atiz Sapa. Labis niyang hinangaan ang kaniyang kaibigan na nag bayad ng utang na P500 kahit pa limang taon na tong nakalilipas.

Makikita sa larawan ay isang sulat na ang isinasaad ay;

Hi Win, Alam kong 5 years na itong utang ko sayo pero kailangan ko pa rin bayaran kasi pinaghirapan mo yan.  Friend.

“Ang sikreto sa pag-asenso ay ang MAGBAYAD NG UTANG” saad naman ni Atiz

Tunay nga na ang pera ay pinaghihirapan at hindi napupulot sa kung saan lang. Ugaliing magbayad ng utang.

Hindi pa huli ang lahat.. Matuto tayong magbayad ng utang.. as the saying goes "Ang sikreto sa pag-asenso ay ang MAGBAYAD NG UTANG"

Posted by Atiz Sapa on Thursday, September 10, 2020