Ano nga ba ang rason kung bakit pinag aaral ang mga bata? Syempre upang mayroong matutunan hindi lamang aral kung hindi kabutihang asal, tamang pag iisip at pananalita ngunit paano na lamang kung pati doon ay natututunan ang mga bagay na hindi naman dapat matutunan?

Dahil sa umiiral na pandemya ngayon sa ating bansa, hindi inakala ng lahat na maaapektuhan maging ang pag aaral ng mga bata.

Kaya naman agad nilang inisipan ng paraan upang magpatuloy ang pag- aaral sa pamamagitan ng online o modular.

Ang online ay para sa mga estudyanteng may kakayanang magkaroon ng WiFi o internet connection samantala ang modular naman ay ang ipinapamigay na mga modules sa kada estudyante.

Isang viral post mula sa isang concerned netizen na si Reyson Lee na kung saan sinabi niyang mayroong tila hindi kanais nais basahin o pakinggan na mga pangalan sa naturang tanong sa module na ipinamigay sa mga estudyante kagaya ng kaniyang grade 11 na kapatid mula sa isang Catholic School.

Saad niya, “I’m not blaming DepEd for this. I only mentioned the page to raise awareness about the content with double meaning,”

Mababasa sa item number 6 sa pag pipilian ang mga pangalan na tinutukoy ni Lee. Masyado naman daw atang lumawak ang “creativity” upang umabot pa sa paglalahad ng mga “dirty names” na hindi naman dapat mabasa ng mga estudyante,

Agad naman itong inaksyunan ng mga guro sa naturang eskwelahan at nag bahay- bahay upang bawiin ang modules na naipamigay.

Ipinost ng netizen na si Reyson Lee ang module na ito ng kanyang Grade 11 na kapatid sa isang private Catholic school na…

Posted by News5 on Friday, September 25, 2020