Anim na buwan na nga ang nakalipas simula nang mapasailalim sa community quarantine ang ilang lalawigan dito sa ating bansa lalo na ang Metro Manila.

Lahat ay nagaadjust sa bagong buhay na ating kinakaharap na kung tawagin ay “New Normal”.

Tulad nalamang ng aktres na si Kakai Bautista, kamakailan lang ay masayang ibinahagi ng aktres at komendyante ang kaniyang buhay ngayong new normal at kasabay nito ay ipinasilip niya ang kaniyang tatlong bahay na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna.

Unang ipinasilip na bahay ni Kakai ay ang tinitirahan ngayon ng kaniyang pamilya kung saan sila ay nangungupahan dito.

Pagbukas palang ng pintuan ng kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kaniyang aso na pinangalanan niyang Chuchie Pie at makikita mo dito na na miss niya ang kaniyang amo.

Ayon sa komedyante, sobra-sobra ang kaniyang pasasalamat sa may-ari ng bahay na kanilang inuupahan , dahil ayon dito hindi daw nagtaas ng renta ang mga ito sa kabila ng pandemiya na ating kinahaharap.

Sunod naman ipinasilip na bahay ni Kakai ang bahay na kaniya ngayon ipinagawa sa Laguna at mapapansin na wala pang laman ang loob nito at bakante pa ang lahat ng kwarto dahil ayon sa aktres ay kasalukuyan pa itong ginagawa at hindi pa tapos dagdag ng aktres na agosto ngayong taon ang takda na ito ay matapos.

Kahit pa hindi tapos ang bahay na ipinapagawa ng aktres ay makikita sa kanya ang pag ka excite, ikinuwento niya din ang kanyang mga plano na gagawin kapag naayos at natapos ang kaniyang bagong bahay na ito.

At ang huling bahay na ipinakita ng aktres ay ang bahay na kanyang kinalakihan noon kung saan kasama pa niya ang kaniyang lolo at lola na may karamdaman sa mata at sa pandinig.

Ayon sa aktres apat na taong gulang siya noon ng manirahan siya kasama ang kaniyang lolo at lola na siyang malapit sa tinutuluyang paupahan ng kaniyang pamilya ngayon.

Ikinuwento ng aktres ang kaniyang mga pinagdaanan noong bata pa siya sa lugar na ito masayang-masaya siya habang nagkukuwento nabanggit din niya ang kaniyang mga kalaro at kaibigan noon na ayon sa kanya ay magaganda na rin ang naging buhay ngayon.

Hindi pa man tapos ang bahay na ipinapagawa ni Kakai ay excited na siya dahil konting araw na lamang ay matutupad na ang kaniyang pinapangarap ito ay ang makasama muli ang kaniyang buong pamilya sa iisang bubong na mismong pagmamay-ari nila.