Isa sa mga pinapangarap nating mga Pilipino ay makapagbigay karangalan sa ating bansa dahil wala tayong ibang gusto kundi maging maganda sa paningin ng ibang bansa ang ating Lupang Silangan.

Kung kaya naman marami sa atin ang natuwa at nasurpresa ng malaman at ibalita na mayroong isang Pilipina na nanunugkulan bilang alkalde ng Hertsmere sa Hertfordshire England nito lamang Hunyo 2020.

Ngunit isang balita na lang ang lumabas at ikinalungkot ng marami pilipino ito ay biglaang pagpanaw ng kauna-unahang mayor na Pinay sa England.

 

Ibinahagi sa social media ni Gene Alcantara, kapatid ng 58 taong gilang na si Cynthia Alcantara Barker ang hindi inaasahang pangyayari na ito.

“It is with extreme sadness that we announce the passing of The Worshipful Hertsmere Mayor Councillor Cynthia Barker following about of serious illness.

We will be issuing further information in due course, but may we ask please to respect the family`s privacy at this very difficult time. Your prayers for the repose of her soul would however be welcome” Pahayag ni Gene.

Sa pangyayaring iyon maraming ang mga nalungkot at nagdalamhati. Isa siya sa pinakahinahangaang Pinay ngayon sa buong mundo dahil sa naging matagumpay siyang alkalde sa ibang bansa.

Labis naman ang panghihinayang at pangungulila ng kaniyang mga katrabaho at kaibigan. Tapat daw ito sa tungkulin at halos buong oras niya ay ibinibigay niya sa kanyang trabaho para magapampanan ang tungkulin.

Ayon pa sa aming source ay lingid sa kaalaman ng marami ay mula rin pala siya sa isang mahirap na pamilya.

Kinailangan raw magtrabaho ng kanyang ina sa ibang bansa kung kaya ay naiwan siya rito sa Pilipinas kahit pa masakit sa kanya ay tiniis niyang mawalay sa kanyang ina dahil alam niyang ito ay para sa kanilang pamilya.

Dahil dito siya nagsumikap mag-aral hanggang siya ay makatapos at magkaroon siya ng pagkakataon na magibang bansa at manirahan sa London, United Kingdom taong 1983.

Noong taon na din na yon ay nakapagtrabaho siya rito bilang isang registered care manager, international recuitment manager at immigration adviser noong 1994-2013.

At makalipas nga lang ang ilang taon simula ng siya ay magtrabaho sa immigration department manager ay tuluyan na niyang pinasok ang mundo ng pulitika.

Andon siya ay nabigyan ng pagkakataon na maglingkod at magsilbi hindi lamang sa kapwa niya Pilipino kundi maging sa ibang lahi.