Kung pagiging praktikal lamang ang pinag uusapan sa pag pili ng lalaking makakasama sa panghabang buhay o kahit na sa pag bo- boyfriend man lang, una nang pag babatayan ay ang kung ano ang meron ka sa kasalukuyan.

Mapa- kotse, bahay, lupa, ari-arian pa yan. Ngunit hindi lahat ng babae ay ganito ang habol sa lalaki.

Kagaya na lamang nang nag viral na post na kung saan isang matapobreng lalaki ang nag aaya sana ng “date” sa isang magandang dilag.

Inakala ng lalaki na makukuha niya ang babae dahil lamang siya ay may sariling kotse at nangakong walang poproblemahin sa lahat ng gagastusin.


Sinabon ng magandang dilag na nakilala bilang si Rhea Retiza ang binatang si Jack matapos sabihan ng “choosy” at tanungin ng “sino ka ba?” malamang ay inakala ni Jack na ang katulad ni Rhea ay isang easy- to- get girl lamang.

Noong una ay mabait at magalang na sinasagot ni Rhea ang kaniyang mga chat hanggang sa sinabi nitong tatawag si Jack sa kaniya ngunit kasalukuyang nag tatrabaho si Rhea noon.

Patuloy pa din ang pamimilit ng lalaki at nilinaw na wala naman daw itong masamang intension sa dalaga.

Ang nais lamang daw nito ay ayaing mag roadtrip ngunit tinanggihan ito ni Rhea pagkat wala daw siyang panahon sa pakikipag date o roadtrip man lang.

Upang paimpisin ang hangin sa ulo ng lalaking si Jack, kaniya itong pinrangka na hindi siya ang tipo ng babaeng makukuha dahil lamang sa pera at kotse.

Bukod doon, ano man ang mayroon si Jack ay galing pa sa pinag hirapan ng kaniyang mga magulang kaya wala itong karapatang magyabang.

Deretsyahang sinabi ni Rhea na “I don’t want to go out with you” at “wala akong pakialam sa vios mong manual”.