Hindi nga naman biro ang perang magagastos mo sa kagustuhang makabili ng sariling lupa at makapag patayo ng sarili mong bahay.

Madaming kailangang asikasuhin at bilhin upang maisakatuparan ito. sino nga naman baa ng mag aakala na sa halagang Php 280,000 ay makapag papatayo ka na ng isang maliit ngunit eleganteng tahanan may kasamang opisina pa?

Ang imposible ay ginawang imposible ng magkasintahang AB Magtulis at Hazel Garcia na kung saan pinagkasya ang kanilang tiny house sa 6 sqm na floor area.

Makikitang talagang walang sayang na espasyo pagkat ito ay okupado na ngunit madaling galawan.

Sa pagpasok mo sa pinto ay una nang bubungad ang kanilang working stations pagkat pareho silang naka work from home.

Katabi noon ay ang kanilang living area na mayroong customized mini sofa na mayroong lalagyanan ng gamit o damit.

Sa sulok, sa ilalim ng kanilang dilaw na hagdan patungo sa ikalawang palapag ay mayroong espasyo upang palagyan ng mga music corner.

Habang sa dingding naman sa kabilang sulok ay mayroong space server na kung saan pwedeng paglagyan ng iba pang kagamitan.

Makikitang neutral color ang tema ng kanilang palikuran.

Kung sa siguridad naman ng kaligtasan ang pinag uusapan, mayroong lock at alarm ang kanilang pinto. At tanaw din sa labas ng kanilang bahay ay ang rainbow flag sa may bubungan na nagsisilbing pag suporta sa kapwa nilang LGBT.