Malinaw naman para sa lahat na talagang hinihigpitan tayo ng pamahalaan maging ang mga local na pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat isa lalo na ngayon at hindi pa din nasusugpo ang hindi nakikitang kalaban

Ngunit sana naman ay kahit may kapangyarihan, huwag kaliligtaan ang karapatan ng taong bayan lalo na sa kanilang sariling pag mamay- ari.

Labis na ikinagalit ng mga netizen nang mapanood ang viral video na kung saan hindi naging makatarungan ang pagtrato sa isang matandang babae na naglalaba sa loob ng kaniyang sariling bakuran.

Mapapanood sa video na ito kung paano magmatigasan ang dalawang panig.

Ang mga opisyal ng barangay ay pilit iniimbitahan sa barangay ang matanda na nag lalaba ng walang suot na face mask at sinasabing kailangan nitong bayaran ang ticket na nagkakahalagang P 1,000 dahil sa paglabag ng kautusan ng IATF hinggil sa health protocols.

Lalo namang tumanggi ang matanda dahil sa laki ng kaniyang dapat bayaran. Imbis nga naman na ipambili na lang ng mga pangangailangan eh mapupunta pa sa walang kwentang paratang.

Dagdag pa nila, madami na din daw silang hinuli at siningil ng multa dahil sa paglabag sa kautusan ngunit ipinaglaban ng matanda na siya ay naglalaba samantala ang mga taong nahuling lumalabag ay nakatambay lang naman.

Nang makita ng mga opisyal na sila ay navivideohan, lalo itong nag init at sinabing idadamay at kakasuhan ang sinumang nag video.

Samantala, hindi napigilang humingi ng tulong at pahayag ang matanda sa social media.

naglalaba lang ako, naglalaba lang po ako sa harap ng ano, kakasuhan na nila ako, titicketan na po nila ako. Ganun ba talaga ka-unfair ang batas ngayon?”.

“Tapos titicketan ka at tutubusin mo ng isang libo at kapag hindi mo natubos kakasuhan ka ng another kaso! Napaka unfIR ng batas! Ayan oh, nasa harap ako ng tahanan ko, trespassing na yan!” pahayag ng ginang.