Madami nga namang hindi magandang naidudulot ang pera. Maaari nitong maapektuhan ang iyong buhay, relasyon mo sa iba at ang tiwala sa isa’t isa.

Hindi nakaligtas ang comedian singer na si Gladys Guevarra matapos itakbo ng dating nobyo ang pera ng kaniyang negosyo.

Makikita sa kaniyang Facebook Account ang kaniyang post patungkol sa biglaang pag kansela sa lahat ng orders ng kaniyang customers dahil na nga sa hindi inaasahang pangyayari.

Hindi niya inilahad sa kaniyang post ang naging problema ngunit nangako naman na siya ay magkakaroon ng Facebook Live upang ipaliwanag ang lahat. Nangako din siya na ibabalik o ire-refund ang lahat ng perang naibayad na sa kaniya.

Nang mag Live na nga si Gladys, doon niya isiniwalat ang naging problema niya at ng ng kaniyang dating partner na si Leon Sumagui.

Ayon sa kaniya, dumating na sap unto na kung saan kinakailangan na talaga nilang maghiwalay dahil sa matinding hindi pagkakaunawaan.

“Ito pong hindi inaasahang kadahilanan ay medyo hindi kami nagkaroon ng magandang pag-uusap from last night, hindi kami nagkaunawaan, hindi kami nagkaintindihan,” ani Gladys. “Dumating po kami sa puntong, okay, fine, hiwalay na po kami today. Wala na po kami today.”

Dahil na nga sa kanilang pinag samahan, patuloy pa din ang pagpasok at paglabas ng pera sa personal bank accounts at GCash ni Leon dahil dito nakapaloob ang pera mula sa kaniyang negosyo.

‘Out of trust’ at ‘Out of good faith’ ang pinanghawakan ni Gladys sa kaniyang dating partner na si Leon noong sila ay magkarelasyon pa.

Nagawan naman daw agad ng paraan ni Gladys na maibalik ang bahagi sa perang ibinayad ng costumers ngunit mayroon pa din daw talagang naiwan na hindi niya makuha kuha dahil hindi na nga ito sumasagot sa mga tawag at tuluyan nang itinakbo ng lalaki.

“Some of it tinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag,”

Masaklap pa doon ay sinira rin daw ni Leon ang record ng kaniyang business transactions sa computer kaya naman hirap siyang gawan ng paraan ang pagbabalik ng pera.

“Bawat kibot sa ‘yo pera…” saad ni Gladys. “Grabe ‘tong ginawa mo sa akin, Leon, grabe.”

Wala daw itong kwentang tao dahil na nga sa kawalan ng konsensya nito. Siniguro din ni Gladys na maibalik ng buo at tama ang perang ibinayad ng kaniyang customers at nagdesisyon munang pahupain ang sitwasyon at hindi muna tumanggap ng orders.

Posted by Gladys Chuchay Guevarra on Wednesday, September 2, 2020