Ang vîrüs na ating kinakalaban sa kasalukuyan ay walang pinipili ng aaatakehin.

Higit pa doon, hindi natin ito nakikita kaya’t mahirap para sa atin ang kalabanin ito ngunit may mga paraan naman kung paano natin ito maiiwasan.

Mayaman o mahirap ay may karapatang protektahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mask at alcohol ngunit ang problema ay ang pambili.

Patuloy na nagtataasan ang mga bilihin dahil na nga kinakailangang bumawi ng mga negosyo kaya ang nagiging resulta, mas lalong nahihirapan ang mga nasa laylayan kung ano ang dapat nilang unang paglaanan.

Bilang isang taong may kakayanang tumulong, nararapat lamang na mag abot tayo ng kamay sa mga nangangailangan kahit sa simpleng bagay lamang.

Kagaya na lamang ng isang pulis na si PSSg Mark Anthony Ramirez na kung saan namataan ang isang matandang lalaki sa Cauayan City, Isabela na kung saan dahon ng saging ang kaniyang ginawang mask kadahilanang wala daw talaga siyang kapera- pera para makabili ng mask at face shield.

Hindi bilang pulis kung hindi bilang isang tao, hindi nagdalawang isip si PSSg Ramirez na bigyan ng face mask ang lalaki para maging tunay na ligtas ito sa mapanganib na vîrüs.

Madaming netizens ang pumuri sa kaniyang ginawa habang ang iba naman ay nais magpadala ng tulong sa matandang lalaki.

TINGNAN: Namataan ng pulisya ang isang lalaki sa Cauayan City, Isabela na gumagamit ng dahon ng saging bilang face…

Posted by ABS-CBN News on Saturday, September 12, 2020