Ang ating mundo ay maraming mga bagay na ikagugulat mo at puno ng misteryo ang iba ay hindi pa lamang natatagpuan at naghihintay lamang na madiskubre.

Katulad nalang ng nadiskubre ng mga divers na mga taga Canada, Ayon sa kwento ukol sa tunay napangyayari nagsimula daw ang lahat noong 1800s nagkaroon ng ekspidisyon ng dalawang malaking barko na HSM Erebus at HMS Terror sa pangunguna ni John Franklin ngunit sa kasamaang palad ay ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin ito nakakauwi sa kanilang mga pamilya.

Samantala makalipas ang 59 na taon simula ng ekspidisyon ay may natagpuang isang liham na at nakasaad sa liham ang isang trahedya na sinapit ng ekspidisyon.

Taong Abril 1848 inabandona ang mga barko dahil taong 1847 ay napabalitaang sumakabilang buhay na ang kapitan ng barko na si Franklin.

Lumipas naman ang ilang taon ay natagpuan na ang isang Barko at ito ay ang HMS Erebus kung saan nakita sa loob nito ang magagandang kagamitan at ang ilang alaala ng naging ekspidisyon.

At ilang taon lang din ang lumipas ay natagpuan na din ang isang barko at ito ay ang HMS Terror ngunit nang pasukin ang barko ay marami ang eksperto na nagimbal sa nakita dito.

Dahil nakita nila ang mga kagamitan sa loob na ito na buong buo at parang walang nangyari kahit lumipas na ang ilang dekada.

Ayon naman sa spokeman ng “Search parties” na si Adrian Schimnowski ang dahilan kung bakit halos walang nangyari sa mga gamit at buong buo pa ay dahil daw nang lumubog ang barkong ito ay doon mismo sa nagyeyelong karagatan at dagadag nito kung maiahon daw ang barko at matunaw ang mga yelo ay kakayanin pa daw ng barkong ito na lumutang.

Nang pasukin na nga nila ang barko ay mas lalo silang namangha dahil sa mga gamit at iba pang bagay sa loob nito na parang bagong-bago tila walang nangyaring trahedya sa barkong ito.

Marami talaga ang mga hindi kapani-paniwala sa ating mundo ngunit bibilib ka na lamang sa mga ito.