Hindi lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano nag hihirap ang bawat indibidwal o ang isang buong pamilya dahil sa umiiral na pandemya.

Madaming nawalan ng trabaho at nalugi ang negosyo ngunit hanggang saan nga ba aabot ang iyong sakripisyo para malampasan lahat ng ito.

Marahil pamilyar ka sa Omegle na kung saan isang online messaging app ngunit walang nakalagay o lihim ang iyong pagkakakilanlan. Nasa saiyo kung nais mong ibigay ang sarili mong pangalan.

Naglalayon ito ng pagkakaibigan sa social media o kung halimbawa ay nais mo lang ng makakausap.

Ngunit ang isang nag pakilalang estudyante na ito ay tila ginamit ang Omegle para makalikom ng pera pang enroll. Hindi produkto ang kaniyang inaalok kung hindi mga sariling larawang hubad.

Kapalit nito ay isang maliit na halaga pambili ng cellphone para sa online class dahil ayaw daw nilang huminto sa pag- aaral.

Ayon kay National Union of Students of the Philippines (NUSP) President Raoul Manuel, posible at halos madalas daw nangyayari ang mga ganito.

“Kinalulungkot natin ‘yung ganitong nangyayari at habang gusto nating i-discourage ang mga kabataan na gawin ang ganitong bagay, nararapat na ugatin ‘yung ganitong usapin. Dapat na makita ano talaga ‘yung nagtutulak sa mga kabataan.” Saad niya.

Kung mayroon nga lang daw namang konkretong tulog mula sa pamahalaan, malamang ay hindi na mapilitan ang mga kabataan na gawin ang ganitong klaseng transaksyon.

Mapait na pang yayari ang inilahad na nito lamang Hulyo na isang 13 taong gulang na bata ang ginahasa ng dalawang matapos pangakuan na bibigyan ng cellphone para sa pang online class.

Sumasailalim na sa intervention program ang dalaga at nahuli naman na ang suspect na gumawa nito.

Gayun pa man, hindi nga naman sigurado at ligtas ang pag bebenta ng mga hubad na larawan ay mayroon ngang kapupuntahan. Maaaring ang iba ay tunay na bumibili ngunit ang iba ay may mas maitim pang binabalak at iyon ay kapahamakan.