Madami na ang nauusong mga challenge sa social media na kung saan pumapatok naman sa mga netizens at napapa “challenge accepted” na lang talaga.

Ito ay pawang katuwaan lamang na kung saan maaaring makapag bigay inspirasyon, motibasyon at maaaring katatawanan.

Kagaya na lamang ng nauusong #ResiboChallenge na kung saan iyong gagawing kasuotan ang mga naipon mong resibo galing sa iyong pinamili.

Hindi ito pinalampas ng ating mga OFW pagkat alam naman natin na kadalasan, sila ang mga nagpapadala ng mga pasalubong at pera sa tuwing araw ng sahuran na.

Isa na diyan ay si Mary Ann Adriano na walong taon ng OFW sa Kuwait. Ayon sa kaniya,

“Para kakaiba ‘yung sa’kin gumawa ako ng gown… Isang bag po tinatabi ko po para nakikita ko kahit sa resibo man lang. Sobrang hirap po pero masarap naman kasi nakakatulong sa pamilya. Nabibili nila kung ano ang gusto nila,” pahayag ni Mary Ann Adriano na walong taon ng OFW sa Kuwait. *

“Mahirap po pero masaya naman kasi nakakatulong ka sa pamilya mo, nabibili nila kung ano ang gusto nila.”

Tinanggap din naman ng dating OFW sa loob ng pitong taon at ngayon ay isa ng on line seller sa Iloilo na si Marian Henarios at sinabing,

“Sa maglilimang taon kong bilang online seller marami po ako naging suki, mga customer, local man at international. ‘Yung resibo po na ‘yun ay nalikom ko sa loob ng limang taon at hindi ko itinapon, at iyon po yung gamit ko, na ginawang kong costume para sa 10K resibo challenge natin.” ani Marian.

Samantala, ang Financial advisor na si Evagelina Pastor ay nagbigay ng payo para sa mga OFW na sana daw ay matutong humawak ng pera. Walang masama sap ag gasta basta kontrolado mo na. Ayos lang din magpadala ngunit sana magtira upang may maipon pa.

Mahalaga ang pag- iipon lalo na kung ikaw ay isang OFW. Para kung sakaling naisin mo nang umuwi, mayroon kang sapat na pera upang magsimula ng negosyo kasama ang iyong pamilya. maaari daw kasi na kapag nagpapadala tayo sa ating mga pamilya ay kung saan saan lang din ito nawawaldas imbis na iniipon para sa mas malaki pang proyektong nais gawin.

“If you are able to keep all those proof or receipts na puwedeng patunay in the near future na magkaroon ng problema at kailangan i-trace back ang history ng isang bagay, ayan, hindi ka mahihirapan patunayan na ‘I paid for this, nagpadala ako ng ganitong halaga’ lalo na ngayon na every centavo counts,” sabi ng Financial advisor na si Evagelina Pastor.