Ang lahat ay ipinanganak hindi para saw ala lang. simula bata ay mayroon na tayong mga pinapangarap maliit man o malaki. Mahirap man o mayaman ay may karapatang mangarap. Nasa tao na nga lang kung paano ito tutuparin.

Nakakalungkot nga lang isipin na ang inaakala nating taong 2020 ay puno ng masasaya at mga biyaya mula sa itaas ngunit kabaliktaran ang mga naging kinalabasan.

Itinuturing ang taon na ito bilang isang bangungot at “worst year” ika nga ng iba dahil Enero pa lamang ay naglabasan na ang mga balitang hindi katanggap tanggap.

Kung ating papansinin, sunod sunod nga naman ang mga ibinabalitang mga iniidolo o sikat na personalidad ang pumapanaw kung hindi dahil sa malalang sakit, dala naman ng C0’VID.

Kagaya na lamang ng sikat na sikat na YouTube Vlogger na si Lloyd Café Cadena nang opisyal na magpost sa kaniyang Official Facebook Page na siya nga ay sumalangit na.

 

“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time.”

Madami ang nagulat sa biglaang paglisan ni Lloyd lalo na ang mga supporters at malalapit na kaibigan. ibinahagi naman ni Kimpoy Feliciano ang screenshot ng kanilang usap ni Lloyd na kung saan iniimbitahan niya itong sumakay sa eroplanong kaniyang imamaneho kapag siya ay naging ganap nang piloto.

Habang si Lloyd naman ay nais daw sanang tahakin ang kursong “Dentistry” pagkatapos ng ECQ pagkat ito ang kaniyang pinapangarap kahit noong siya ay bata pa lamang.

Mababasa din sa kanilang usap na tila nagpapahiwatig na si Lloyd ng kaniyang pakiramdam na hindi na nga siya aabot sa katapusan ng pandemya.

“Kaya kapag mabuhay pa ako after this c0r0na. Magdedentistry ako” saad ni Lloyd

Siya na din mismo ang nagsabi na Maiksi lang ang buhay kaya naman dapat lamang hanggat may panahon at pag kakataon ay dapat na natin itong sikaping abutin.

Lloyd wanted to be a dentist after ECQ 💔 Ako naman, sabi ko sa kanya isasakay ko siya kapag naging piloto ako."Maiksi lang ang buhay, search for your purpose" 😢Lloyd Cafe Cadena

Posted by Kimpoy Feliciano on Friday, September 4, 2020