Sabi nga nila, ang tao ay nawawala ngunit ang iniwang ala- ala ay tumatatak at kailan man ay hindi magbabago o maglalaho lalo na kung sobrang importante ito.

Ganoon na lamang ang sakit na naramdaman ni Nestor Flores Manglia na nabyudo matapos pumanaw ang kaniyang asawa.

Hindi niya napigilan ang kaniyang emosyon at patuloy na umiyak dahil sa lungkot at pangungulila sa asawa matapos mabasa ang iniwang mensahe ng nito noong December 2019.

Sa katunayan, hindi niya agad ito nabuksan pagkat mayroon itong password. Sinikap ni Nestor na buksan ito nagbabakasakali na mayroon siyang matatagpuang magandang ala- ala.

Narito ang caption ni Nestor sa kaniyang post habang ang mensahe naman ng kaniyang asawa ay kaniya ding ibinahagi na dumurog sa puso maging ng mga nakabasa.

Day 19:
This is very personal but wanted to share to all of you. She wrote the note on her phone last December 2019. I was able to unlock it a week ago.

This is the saddest and most beautiful letter/note I’ve received from you. Ayaw tumigil ng luha ko nung mabasa ko ‘to. Akala ko hindi ko mauunlock, Nay! Maraming salamat din sa lahat, someday things will get better, magiging okay din ako — kami.

The link (movie soundtrack — m@rried life) and the quote on the latter part were from one of our favorite movies — D!sney P!xar’s “UP”. Just like the movie, the wife d1ed first. We used to watch the movie together with our daughters and lagi nya sinasabi na same sila ni Ellie.

Di man tayo umabot sa “until we’re grey and old” sulit naman yung 15 years natin!

“Thanks for the adventure, now go have a new one”. — Ellie/GladysMae.

Day 19:This is very personal but wanted to share to all of you. She wrote the note on her iphone last December 2019. I…

Posted by Nestor Flores Mangila Jr. on Wednesday, September 9, 2020