Sabi nila, masaya ang magkaroon ng mga kapatid dahil mayroon kang kasangga sa lahat ng problema. Balikat na maiiyakan at taong mapagsasabihan ngunit maaari ding ito ang iyong maging matinding kalaban dala ng inggitan.

Kagaya na lamang ng naranasan ng kaisa- isang anak na babae na si Daisy Wells na kasalukuyang namamalagi sa Texas, USA kasama ng kaniyang asawa.sinuwerte sa asawa si Daisy at magaling din siyang humawak ng pera kaya naman hindi mahirap paniwalaan na siya ay isang multi- millionaire na.

Aanin mo nga naman baa ng pera kung wala ka namang maituturing na pamilya.

Bilang tulong sa kaniyang ina at mga kapatid, pinatayan niya ito ng mga bahay ngunit sa kabila ng lahat ng ito, labis na nagdamdam si Daisy matapos ipagdamot ng kaniyang kapatid na si Elourde Sanchez ang kanilang ina na si Adeluisa Sanches.

Ang ina at ang kaniyang kapatid pati ang pamilya nito ay magkasamang naninirahan sa Cebu City. Pahayag ni Daisy, hindi daw ipinakakausap ang kanilang ina sa kaniya dala ng inggit ng kaniyang mga kapatid.

May mga pagkakataon na kinukuntyaba pa niya ang kaniyang pamangkin upang makausap ang ina nito.

Ang isa sa pinaka masaklap na ginawa ng kaniyang kuya ay ang nang makita niyang nakaluhod na umiiyak ang kaniyang ina sa harap ng kaniyang larawan na mayroong nakasinding kandila na tila nagluluksa ito.

Ito ang dahilan kung bakit dumulog siya sa programa ni Raffy Tulfo.

Nang ipinatawag na ni Sir Raffy ang kaniyang kuya na si Elourde, mariin niyang itinatanggi ang mga bintang ni Daisy sa kaniya pagkat Malaya silang nakapag- uusap sa pamamagitan ng video call.

Sa katunayan, bata pa lamang sila ay kapansin pansin na ang kakaibang ugali ni Daisy na tila may sakit sa pag- iisip.

Upang malinawan ang lahat, iniharap din ni Raffy yang kanilang ina na kung saan pumanig ito sa sinasabi ng kaniyang anak na si Elourde na walang katotohanan ang sinasabi ni Daisy patungkol sa kaniyang mga kapatid.

Tanging matinong pag uusap at pababati ang naisip na solusyon ni Sir Raffy kaya naman matapos ang pag- aayos ng mag kakapatid at mag ina, nangako si Daisy na bibilhan niya ang kaniyang pito kapatid na lalaki ng tig- iisang motor bilang regalo sa darating na pasko.