Si Tatay Lemur Enriquez ay nag viral nito lamang mga nakaraang linggo dahil sa kaniyang pagiging isang mabuting anak pagkat handa siyang ipabarter ang kaniyang mga alagang manaok para lamang sa second hand na smartphone na pag sasalit salitan ng kaniyang apat na anak.

Nais lamang niya sanang magpatuloy ang kaniyang mga anak sa eskwela kahit na may pandemya pagkat ito lamang ang kaniyang tanging maipamamana.

Maliit lang din kasi ang kaniyang kinikita sa pagbebenta ng mga kuneho at manok dahil nga pandemya.

Bumuhos ang biyaya at tulong kila Tatay Lemur. Madami ang nagnais magpadala ng pera at brand new gadgets imbis na magtiis sa second hand na maaaring masira kinalaunan.

Ngunit hindi niya ito sinamantala. Pinahayag niyang sapat nang mayroong tig iisang gadgets ang kaniyang mga anak.Dagdag pa niya, mayroon ding iba pang pamilya na kagaya nila kaya doon na lang ipadala ang iba pang darating na tulong sana sa kanila.


Sa kabila ng kaniyang pagiging dakilang ama, hindi pa din pinalampas ng isang scammer na nagpanggap na handang tumulong upang maprocess ang financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.


Nagsimula ito nang mag friend request at mag message ang babaeng nag ngangalang Mondejar Antonette na malamang ay hindi niya tunay na pangalan. Tinanong niya kung mayroon na bang nakuha sila Tatay na GCASH assistance mula sa government agency.



Hanggang sa mayroon namang Mea Lenna na nagpakilala bilang isang care request (specialist). Dahil na nga madami ang nais tumulong kila Tatay Lemur, hindi niya sukat akalain na ito ay isang scam.



Ang inosenteng ama ay patuloy namang nagbigay ng mga detalye kasama ang kaniyang PIN.

Nasa P6,500 ang nakubra sa kaniya ng scammer mula sa kaniyang GCASH na kinita niya pa mula sa pagbebenta ng kuneho at manok. Hindi niya alam kung ito ay posible pa bang mabawi.

Gayun pa man, naglahad naman siya ng isang post sa social media upang balaan ang mga magiging biktima pa.