Taong 2015 nang makoronahan si Pia Alonzo Wurtzbach bilang Miss Universe 2015. Siya ay ang 30 taong gulang na Filipina- German model at nakilala bilang Pia Romero.

Pagkatapos ng kaniyang naging tagumpay, nagbukas ang mga pintuan ng oportunidad sa showbiz na kung saan kaniya din namang pinag husayan ang pagiging aktres at patuloy na ginampanan ang pagiging beauty queen.

Sa kabila ng kaniyang mga pag hihirap, nagbunga at naiuwi din ni Pia ang kor0na bilang Binibining Pilipinas 2015. Kagaya ng iba, iginapang din ni Pia ang kaniyang mga nakakamit na tagumpay.

Hindi lamang ang karera niya ang naging matagumpay kung hindi nakatagpo din siya ng kaniyang man of her life na si Jeremy Jauncey, ang 36 taong gulang na CEO at founder ng isang creative agency na “Beautiful Destinations”.

Tunay nga na napaka swerte ni Pia sa kaniyang nobyo. Sa katunayan, nito lamang nang nagbahagi sila ng kanilang larawan na nagbabakasyon sa isang luxury resort sa Santorini na Canaves Oia. Base sa ilang ulat, dito daw nag selebra si Jeremy ng kaniyang kaarawan.

Kasalukuyang nakabase si Jeremy sa Estados Unidos ngunit talaga namang lumipad pa siya patungong London upang makasama ang kaniyang kasintahang si Pia maging ang pamilya nito. kitang kita sa kanilang mga larawan sa social media na hilig talaga nilang magtravel.

Bukod pa doon, magaganda din ang kanilang mga adbokasiya. Sa katunayan, pareho pa silang ambassadors ng “World Wide Fund for Nature”.

Kaya naman pahayag ng netizens, bagay na bagay nga naman talaga ang dalawang ito. madami ang nag aabang sa kanilang anunsyo patungkol sa pagpapakasal.

View this post on Instagram

Santorini nights @canavesoia 🇬🇷

A post shared by Jeremy Jauncey (@jeremyjauncey) on