Pagdating sa pag-ibig lahat ay pantay-pantay walang mayaman o mahirap at walang bata at walang matanda. Sabi nga nila kapag mahal mo hanggat wala kayong tinatapakang ibang tao, ipaglaban mo.

Ang estado ng buhay ay hindi basehan sa pagmamahalan lalo na ang edad kaya nga may kasabihan tayong “Age doesn`t mattter”.

Ito ang pinatunayan ng aktres na si Pauleen Luna. Ayon sa aktres hindi daw niya alintana ang edad sa kanilang pagsasamahan ni Bossing Vic Sotto.

Ang agwat ng kanilang edad ay nasa 34 na taon ngunit ayon sa aktres ay hindi ito naging hadlang sa kanilang relasyon hindi rin ito naging problema o iniisip dahil napakatibigay ng kanilang pagsasamahan at pag-iibigan.

Ang isa daw sa pinaka sikreto ng kanilang relasyon ay ang respeto kung bakit mas napagtibay nila ang kanilang pagsasama.

“A few weeks ago, we were inteviewed by Miss @luchicruzvaldes for her show. She asked me. “How do you deal with the age gap?” I wasn`t able to give a good answer because i honestly do not feel the “gap” that we have” saad ng aktres.

“That afternoon, i thought hard about that question and i came up with an answer, a real answer. My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but i think the thing i love most about him is the amount of respect he gives me” dagdag pa ni Pauleen.

Ayon kay Pauleen ay respeto talaga ang naging susi sa kanilang matibay na pagsasama dahil kahit malaki pa raw ang agwat ng kanilang edad ay nirerespeto ni Bossing Vic ang mga desisyon ni Pauleen. Isa ito sa mga hinahangaan ni Pauleen sa kanyang mister.

“He respects my life decision, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did i hear my husband raise his voice and felt like i was younger and didn`t matter.

I always felt validated. I always feel important around him. Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it`s one of the main reasons why this relationship is so easy” Pagtatapos na pahayag ni Pauleen.